Wanted: Husband | Bandera

Wanted: Husband

Joseph Greenfield |October 23,2014
facebook
share this

Wanted: Husband

Joseph Greenfield - October 23, 2014 - 01:44 PM

Sulat mula kay  Alona ng Barra, Opol, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
Nagtataka ako sa aking buhay kung kaya’t naisipan kong kumunsulta sa inyo. Kasi noong high school at college ako ay nagka-boyfriend naman ako kaya lang lahat ng relasyong dumating sa akin ay panandalian lang hanggang sa nakapagtrabaho ako bilang public school teacher. Simula noon wala ng dumating na manliligaw sa akin hanggang sa umedad ako na 34 na sa ngayon. Ako ang bunso sa aming apat na magkakapatid na may asawa na lahat, kaya pinag-aasawa na rin ako ng mga magulang ko. Itatanong ko lang sa inyo, kung sa edad kong ito may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa at kung may asawa na ako magkaka-anak pa kaya ako. Kailan kaya ako makapag-aasawa kung sakasakali at magkakaroon ng sariling pamilya, at kapag nagka-family na ako magiging maunlad kaya at masaya ang magiging pamilya ko sa future? July 31, 1980 ang birthday ko.
Umaasa,
Alona ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kahit medyo “late” nang dumating tamang-tama lang may namataan paring kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kahit na 34 na ang iyong edad, walang duda, makapag-aasawa ka parin, hatid ng isang lalaking medyo mapayat na halos kasing edad mo rin.
Cartomancy:
Six of Hearts, Queen of Diamonds at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong 2016, tiyak ang magaganap, makapag-aasawa ka at sa panahong may asawa ka na, matutupad ang lahat ng iyong “wish” – magkakaroon kayo ng babaing supling at ang nasabing pamilya ay habang buhay ng liligaya.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending