Daniel inulan ng swerte dahil kay Kris | Bandera

Daniel inulan ng swerte dahil kay Kris

Reggee Bonoan |October 23,2014
facebook
share this

Daniel inulan ng swerte dahil kay Kris

Reggee Bonoan - October 23, 2014 - 03:00 AM

daniel matsunaga
Ilang beses nang sinasabi ni Daniel Matsunaga na malaking blessing sa kanya ang TV host-actress na si Kris Aquino.
Nang lumamlam ang karera ni Daniel ay parati siyang  kinukuhang co-host ni Kris sa morning show nito na Kris TV.

Isinama rin siya sa pelikulang “Sisterakas” kaya natsismis na may relasyon na silang dalawa. May mga nagsasabi nga na mula nang mapalapit ang model-actor ay inulan na siya ng swerte.

Ilang beses na namang nagdenay ang dalawa na meron silang relasyon.Maging ang Queen of All Media ay panay din ang puri sa binata noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya kaya malaking tulong din ito kaya nanalo si Daniel lalo’t ibinoto rin daw siya ni Kris.

At simula nga nang manalo si Daniel sa PBB All In ay nagkasunud-sunod na ang kanyang projects tulad ng pelikulang “Shake, Rattle & Roll 15” mula sa Regal Entertainment na entry sa 2014 MMFF at ang bagong endorsement niya para sa San Marino Tuna Flakes, na ine-endorse rin ng mag-inang Kris at Joshua.

“I’ve never been happy like this in my whole life. Siyempre, there’s always a time for everything. In God’s time, I will have my relationship. Talagang masaya ako kasi it’s what I’ve always dreamed of and it’s happening now in the Philippines.

“Sobrang nakakatuwa, sobrang nakakaiyak kasi talagang I’ve never expected this in my entire life. For me, it’s such a blessing for me. If I’m in Brazil, I may never have this. Talagang masaya ako rito.

“Tapos, kinuha pa ako ng San Marino Tuna, na paborito ko rin talaga ito, timing nga, eh,” masayang sabi ng aktor. May kinalaman din kaya si Kris kaya kinuhang endorser ng nasabing produkto si Daniel?

In fairness, hindi naman nagkamali ang San Marino sa pagkuha sa binata dahil sa magandang katawan nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending