Sarah, Matteo walang ligtas kay Mommy Divine | Bandera

Sarah, Matteo walang ligtas kay Mommy Divine

Julie Bonifacio |October 23,2014
facebook
share this

Sarah, Matteo walang ligtas kay Mommy Divine

Julie Bonifacio - October 23, 2014 - 03:00 AM

sarah geronimo
NAGSISIMULA nang i-finalize ang members of the cast para sa bagong teleserye ng box-office director na si Wenn Deramas. Pero malamang hindi pa siya makakapagsimula ng taping dahil busy pa siya sa shooting ng “Praybeyt Benjamin 2.” Tapos malapit na ring ipalabas ang “Moron 5.2: The Transformation.”

Tinanong namin si Direk Wenn kung may special guest appearance ba sa “Moron 5.2” ang mga nobya ng bida niya sa movie na sina Luis Manzano, Billy Crawford at Matteo Guidicelli. Of course, ang tinutukoy natin na girlfriends nila ay sina Angel Locsin, Coleen Garcia at Sarah Geronimo, respectively.

“Wala,” mabilis na sagot. “Hindi naman kailangan, e. I mean, walang role na pwede sila, e.” Nakita kasi namin sa set ng “Moron 5.2” si Angel nu’ng dalawin niya si Luis.

Pero si Sarah possible sanang mag-guest since ang manager naman niya ay si Boss Vic del Rosario, Jr. ng Viva Films na siya ring producer ng “Moron 5.2.”

Pero ewan lang kung papayag ang famous mom ni Sarah na si Mommy Divine na umapir sa “Moron 5.2” with Matteo, huh! Baka naman pati sa mga ganyang labas-labas sa pelikula with Matteo, e, tutol pa rin si Mommy Divine na gawin ni Sarah.

Balita kasing until now ay nakikialam pa rin si mommy sa mga ginagawa ng kanyang anak. Kasabay nito, nag-sorry si direk Wenn sa mga na-offend sa mga lumabas na article noong unang presscon ng “Moron 5.2”, kasama na riyan ang GF ng mga bida sa movie.

Ito ‘yung tungkol sa pagbibiruan about the cast’s private parts. Nagkakatuwaan lang daw that time sa presscon kaya napag-usapan ang tungkol sa “bukol”.

Anyway, excited much na rin si Direk Wenn sa isa pang major project na ginagawa ngayon. At ‘yun ay ang paglabas ng kanyang libro na pinamagatang “Direk To The Point.” The book will tell about his mala-Cinderalla lifestory at wish niya na maging inspirasyon sa mga makakabasa.

Mismong si Direk Wenn ang nagsu-supervise lahat ng detalye sa book pati sa pangangalap ng sponsors. Ayaw niyang ipagkatiwala basta na lang sa publishing house ang kanyang libro at gusto niya may-say siya sa lahat at pang-long-term siya pa rin ang may hawak ng legal rights nito.

Bukod sa libro, plano rin niya na gumawa ng pelikula para sa kanyang silver anniversary sa showbiz. Bongga ang movie dahil it will feature 25 stars na naging parte ng kanyang directorial career both on TV and film. Ang title daw ng movie is “Bente Singko.”

Hindi lang siya ang magdidirek ng pelikula, kundi siya rin ang producer, huh! At kung si Niño Muhlach ay may D’ Wonder Films noon, Wonder Wenn Productions naman ang name ng kanyang film outfit. Taray!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending