Ai Ai biglang atras sa politika | Bandera

Ai Ai biglang atras sa politika

Julie Bonifacio |October 23,2014
facebook
share this

Ai Ai biglang atras sa politika

Julie Bonifacio - October 23, 2014 - 03:00 AM

aiai delas alas
Hindi pinalampas ni KC Concepcion na mapasama pa rin siya sa huling episodes ng top-rating teleserye sa primetime ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.

Nag-report agad siya sa taping kahit ‘di pa talaga siya ng 100% okey. Ganyan ka-dedicated ang aktres  sa kanyang trabaho.
Ang direktor nila na si Malu Sevilla ang nagtsika sa amin na nasa kabilang unit ng Ikaw Lamang si KC last Friday.

Kwento ni Direk Malu, ang laki raw nang improvement ng acting ni KC sa serye. “Tatanungin ako n’yan, ‘D, isa pa?’ D kasi ang tawag niya sa akin.

Mas okey ‘yung artista mo gusto talaga ‘yung ginagawa nila, di ba? Pati ikaw ginaganahang magtrabaho,” kwento ni Direk Malu.Sa true lang, isa rin talaga sa mga dedicated magtrabaho sa showbiz si KC tulad ng mga kasama niyang bida sa Ikaw Lamang na sina Coco Martin at Kim Chiu.

For sure, wish ng fans ni KC na magkaroon ulit siya ng teleserye sa ABS-CBN. Malay natin baka ang rumored boyfriend niya na si Paulo Avelino ang susunod na makasama na niya sa teleserye, ‘di ba?

Samantala, ang dami-dami namang na-discover ni Coco kay Kim bilang katrabaho sa Ikaw Lamang for seven months.
“Unang-una, ngayon ang lalim-lalim nu’ng pagtingin niya sa trabaho.

Noong umpisa kasi si Kim, syempre, sanay siya na parang lagare-lagare-lagare. I’m sure noong umpisa medyo na ano siya, parang ma-opinyon kasi ako lalung-lalo na sa trabaho, kapag may nakikita ako na something na mas may ikatutulong o mas may ikagaganda ng eksena, nagsa-suggest ako,” kwento niya.

That time raw kasi tahimik lang si Kim. Pero later on, naging pala-suggest na din daw si Kim para sa mas ikagaganda ng character at  eksena nila, sabi pa ni Coco.

Going back to Direk Malu, looking forward na si direk sa bakasyon niya after ng Ikaw Lamang na dalawang gabi n’yo na lang mapapanood. Siyanga pala, isa si Direk Malu sa mga close na artista kay Comedy Queen Ai Ai delas Alas.

At masaya raw siya sa lovelife ngayon ni Ai Ai, “Very happy for her. I hope it’ll last,” wish niya for AiAi. Speaking of Ai Ai, marami pa rin pala ang may gusto na tumakbo siya for public office (mayor o kongresista) sa Calatagan, Batangas.

Pero mukhang ‘di na itutuloy ni Ai Ai ang pagtakbo sa 2016 elections. Nu’ng huli namin siyang nakausap, nagdesisyon na si Ai Ai na wala na siyang planong pumasok sa politika. Feeling niya she’s not meant for politics.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending