Carmina nag-resign noon sa Palibhasa Lalake dahil kay Rustom | Bandera

Carmina nag-resign noon sa Palibhasa Lalake dahil kay Rustom

Ervin Santiago |October 22,2014
facebook
share this

Carmina nag-resign noon sa Palibhasa Lalake dahil kay Rustom

Ervin Santiago - October 22, 2014 - 03:00 AM

RICHARD GOMEZ AT CARMINA VILLAROEL

RICHARD GOMEZ AT CARMINA VILLAROEL

TAWA kami nang tawa habang ginaganap ang press relaunch ng isa sa longest-running sitcom sa history ng telebisyon, ang Palibhasa Lalake na pinagbidahan noon nina Richard Gomez, Joey Marquez, Anjo Yllana at John Estrada.

Sa muling pagkikita kasi ng tropa para sa muling pagpapalabas ng Palibhasa Lalake sa Jeepney TV (SkyCable) na nagsimula na nga kagabi, wala pa ring kupas ang kanilang kulitan, lalo na sina John, Anjo at Jomari Yllana na maagang dumating sa relaunch kaya nakachika namin sila sandali bago ang question and answer portion.

Para kay John, ang Palibhasa Lalake ang naging simula ng magandang career niya sa showbiz. Pero inamin niya na noong mga unang linggo niya sa nasabing programa ng ABS-CBN ay gusto na siyang tanggalin ng production.

“Yung Palibhasa Lalake, para sa akin di lang siya sa sitcom, parang wake up call sa akin because in my first year in Palibhasa, ABS-CBN wanted to take me out, kasi hindi ako nagwo-work talaga. Talagang si Douglas Quijano ang nagsabi na, ‘if you are going to take out John, take out Palibhasa as a whole.’ So ni-retain ako,” kuwento ng aktor.

Malaki rin siyempre ang naitulong sa kanya nina Goma at Tsong Joey para magkaroon siya ng tamang timing sa pagpapatawa.
Ganito rin ang feeling ni Goma, hindi naman daw talaga siya komedyante, pero dahil nga parang pamilya na sila sa Palibhasa Lalake, naging madali para sa kanila ang bawat eksena.

“Hindi ko kaya na ako lang mag-isa ‘yon. Without Joey, without John, without Tita Glo (Gloria Romero), sina Cynthia (Patag) ,Amy (Perez), sina Anjo, it will not be the same Palibhasa Lalake,” sey ni Richard.

Samantala, isa pang produkto ng Palibhasa Lalake ay si Carmina Villaroel na malayo na rin ang narating sa mundo ng showbiz.

Pero alam n’yo ba kung bakit biglang nawala si Mina sa nasabing sitcom? Ayon sa TV host-actress, nag-ugat ito sa panunukso ng kanyang mga kasamahan sa show sa relasyon nila ni Rustom Padilla na lumala nang lumala.

“That time, medyo serious na ‘yung tampuhan…actually, kung ako lang talaga ang masusunod, tampo but mapapatawad ko. But since may ibang tao nang involved, I had to choose between them and Rustom.

“They also made a choice to let me go, because lumaki na, eh. Hindi na siya ‘yung parang internal problem. Lumaki na siya. National news na, eh!” kuwento pa ni Carmina.

“Iyak talaga ako nang iyak nu’ng umalis ako, hindi ako makapag-move on. Na-hurt ako bilang pamilya,” chika pa nito.

In fairness, marami kaming kaibigan na nangakong tututukan nila gabi-gabi ang pagbabalik ng Palibhasa Lalake dahil ito raw ‘yung time talaga na baliw na baliw sila kina Goma, Joey at John. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, kung tuwing Martes lang napapanood noon ang Palibhasa Lalake, ngayon, araw-araw na itong matutunghayan sa Jeepney TV na nagsimula na nga kagabi, 8 p.m. sa Channel 9 ng SkyCable.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending