Erap wala nang pakialam sa relasyon ng anak kay Bernard: Bahala na sila! | Bandera

Erap wala nang pakialam sa relasyon ng anak kay Bernard: Bahala na sila!

Ervin Santiago |October 22,2014
facebook
share this

Erap wala nang pakialam sa relasyon ng anak kay Bernard: Bahala na sila!

Ervin Santiago - October 22, 2014 - 03:00 AM

JOSEPH ESTRADA

JOSEPH ESTRADA

Kahit hindi nito diretsong sinasabi, halatang bad trip si Manila Mayor Joseph Estrada sa aktor na si Bernard Palanca, ang karelasyon ng kanyang anak na si Jerika Ejercito.

Sa interview kasi ng The Buzz last Sunday kay Erap, parang hindi ito interesadong pag-usapan ang relasyon ni Jerika kay BJ.

Balitang hindi boto ang dating pangulo sa aktor kahit na meron na ngang anak ang dalawa.

“I don’t know anything about it. No (hindi pa nakikilala), no (walang effort to reach out). I don’t know,” putol-putol na sabi ni Erap.

Nang tanungin kung tanggap na ba niya si Bernard bilang partner ng anak niya, ang tila napipikong sagot nito, “Anong tatanggapin? Nag-e-enroll ba? Meron na silang pamilya ‘yun. Bahala na sila.”

At para sa mensahe niya kay Bernard, isang nagsusumigaw na “Good luck,” ang sagot ni Mayor.

Sa hiwalay na panayam naman sinabi ni BJ na gagawin niya ang lahat para matanggap siya ng pamilya ni Jerika at patutunayan niya sa mga ito na seryoso siya sa kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending