Igan bumilib sa talino ni Valerie, malakas ang laban sa Miss World | Bandera

Igan bumilib sa talino ni Valerie, malakas ang laban sa Miss World

Dinno Erece |October 22,2014
facebook
share this

Igan bumilib sa talino ni Valerie, malakas ang laban sa Miss World

Dinno Erece - October 22, 2014 - 03:00 AM

VALERIE WEIGMANN

VALERIE WEIGMANN

Valerie Weigmann visits Tonight With Arnold Clavio.

Mamaya, tutok na sa isang masayang chikahan kasama ang half-German at half-Filipino pero 100% pusong Pinay na si Miss World Philippines 2014 Valerie Weigmann sa Tonight with Arnold Clavio sa GMA News TV.

Nauna siyang nakilala sa isa mga hosts ng segment na Juan for All, All for Juan sa Eat Bulaga. Pero ngayon, buong Pilipinas na ang nakatutok sa kanya at magdarasal para tulad ni Miss World 2013 Megan Young, ay maiuwi niya ang korona ngayong 2014 para sa isang back-to-back win. In fact, bumilib si Arnold sa talino ni Val at posible ngang siya pa rin ang mag-uwi ng Miss World crown.

Sa nagdaang pageant, humakot ng mahigit sa 10 special awards si Valerie, kaya naman trending ang salitang hakot sa gabi ng kanyang koronasyon. Sa kanyang pagdalo sa Tonight with Arnold Clavio, hindi lang poise, charm, grace at beauty ang kaniyang ipapamalas bilang beauty queen.

Tuturuan din niya ang batikang si Aronold Clavio ng ilang German words. At siyempre, haharapin din ng beauty queen ang challenge na ibabato sa kanya ni Igan. TWAC airs tonight at 10:15 p.m. sa GMA News TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending