Pacman wasak ang career sa boksing pag nabaldado sa PBA | Bandera

Pacman wasak ang career sa boksing pag nabaldado sa PBA

Cristy Fermin |October 22,2014
facebook
share this

Pacman wasak ang career sa boksing pag nabaldado sa PBA

Cristy Fermin - October 22, 2014 - 03:00 AM

MANNY PACQUIAO INQUIRER

MANNY PACQUIAO INQUIRER

Jack of all trades, master of one. Ganu’n kung ilarawan ngayon si Pacman, ang Pambansang Kamao, ang kongresista ng Saranggani na si Congressman Manny Pacquiao.

Ang minaster niya ay ang pagboboksing, kampeon siya sa larangang ‘yun, palagi niyang isinusulat ang pangalan ng Pilipinas sa mapa ng mundo.

Pero mukhang hindi pa kuntento ang Pambansang Kamao sa kanyang mga karangalan sa larangan ng boxing, kaya nagba-basketball naman siya ngayon, playing coach siya ng koponang KIA sa PBA.

Nu’ng unang pakikipagsalpukan ng kanyang team sa pagbubukas ng PBA ay anim na minuto lang siyang ibinabad sa hardcourt.

Wala siyang nai-shoot, naagawan pa nga siya ng bola sa kanyang pagdidribol, pero hindi maikakaila na kapag ang Pambansang Kamao ang mayhawak ng bola ay todo ang pagbubunyi ng ating mga kababayan sa napakalaking Philippine Arena.

Si Pacman ang nagbigay ng dagdag-ningning sa torneo, ibang klase ang kanyang karisma, ulo pa lang niya ang naiilawan nang ipakilala ang KIA ay halos bumagsak na ang Philippine Arena sa dumadagundong na pagtanggap sa kanya ng manonood.

Halatang nag-iingat si Pacman sa paggalaw dahil ‘yun ang mahigpit na bilin sa kanya ni Coach Freddie Roach, malapit na uli ang kanyang laban, kaya kapag nabaldado siya sa hardcourt ay siguradong manganganib ang kanyang karera sa boksing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending