Miguel, Bianca susunod sa yapak nina Dingdong at Marian | Bandera

Miguel, Bianca susunod sa yapak nina Dingdong at Marian

Ervin Santiago |October 22,2014
facebook
share this

Miguel, Bianca susunod sa yapak nina Dingdong at Marian

Ervin Santiago - October 22, 2014 - 03:00 AM

BIANCA AT MIGUEL TAN FELIX JR.

BIANCA UMALI AT MIGUEL TAN FELIX

NANINIWALA kaming malayo ang mararating ng Kapuso loveteam na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Promising ang tambalan ng dalawa at talagang marami ang pumuri sa akting nila sa seryeng Niño. At in fairness ha, marami na rin silang fans na talagang all-out ang support sa lahat ng kanilang proyekto. Kaya nga nasabi namin na pwede silang matulad kina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Kaya habang pinaplantsa pa ang susunod nilang teleserye, binigyan muna sila ng GMA ng special episode sa weekly romantic-drama series na Seasons Of Love na nagsimula na noong Lunes at matatapos ngayong Biyernes.

At sa lahat ng mga nag-aabang sa susunod na mga eksena sa Seasons of Love Presents First Dance, First Love na mapapanood bago mag-24 Oras sa GMA, narito ang kailangan nyo’ng abangan.

Muntik nang umamin si Nestor kay Jasmine. Mabuti at napigilan siya ni Basti. Pag-alis, sinabi ni Nestor kay Basti na gusto na niyang umamin kay Jasmine. Pero ayaw ni Basti, ayaw niyang makulong ang ama at maayos naman na raw si Jasmine.

Samantala, sinabihan si Jasmine na pwede pa siya ulit mag-audition ngunit alangan na ang dalaga, pero sinuportahan siya ni Basti at kailangan daw nilang maghanda. Pero papayag lang daw si Jasmine kung pati si Basti ay makiki-practice sa kanya kaya mas magiging close pa sila.

Audition day: Mapapatayo ang lahat dahil sa galing ni Jasmine. Dito darating ang daddy niya. Napanood niya ang pagsasayaw ng anak at hihingi ito ng sorry kay Jasmine dahil sa mga pagkukulang nito. Magyayakap ang mag-ama.

Mas magiging close pa sina Jasmine at Basti – dito na magaganap ang kanilang first kiss.

May makukuha namang balita si Eduardo sa mga pulis na may lead na sila sa suspek. Pag-uwi ni Basti sa bahay, makikita na niyang hinuhuli na ng mga pulis ang kanyang ama. Sa presinto, magkakagulatan ang lahat. Bakit daw nandoon si Basti.
maiwasang isipin. Depress siya. Sobrang mag-aalala si Gelai (Julia Lee) dahil sa mga ikinikilos ni Andrea lalo na ng isang araw makita niya itong walang malay.

Depressed din si Ivan sa pakikipagbreak sa kanya ni Andrea. Naiinis din siya dahil pilit siyang tinatawag ni Regina (Jackielou Blanco) na Ivan at pilit pa siyang pinatitingin sa isang psychiatrist. Sa depression, napadpad si Ivan sa bar ni Rocky at dito niya malalaman kung anong nangyari sa pamilya ni Regina. Maaawa ito kay Regina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending