Jonalyn dinedma ng mga dating kasamahan sa La Diva | Bandera

Jonalyn dinedma ng mga dating kasamahan sa La Diva

Ervin Santiago |October 21,2014
facebook
share this

Jonalyn dinedma ng mga dating kasamahan sa La Diva

Ervin Santiago - October 21, 2014 - 03:00 AM

jonalyn viray
Muling hahataw sa pagbirit ang Soul Princess at Fearless Diva na si Jonalyn Viray sa concert nitong “#Fearless: The Repeat.”
Ito ang pangalawang major concert ni Jonalyn na magsisilbi rin bilang isang benefit concert para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.

Dahil sa tagumpay ng unang “#Fearless” major concert noong Pebrero, napagdesisyunan na ulitin muli ito, kung saan isang kakaiba at bolder version ni Jonalyn ang masasaksihan ng mga manonood.

“Wala na talaga akong inhibition at isinapuso ko ang lahat ng mga natutunan ko from my first concert. Dito ko ‘yun maipapakita. Like before, there’s gonna be a song na lahat sila makaka-relate,” ani Jonalyn.

Special guests sa “#Fearless: The Repeat” sina Tom Rodriguez, Thor, at  Jaya. Unang nakilala si Jonalyn nang sumali ito sa Kapuso talent search na Pinoy Pop Superstar.

Siya ang hinirang na first ever Grand Champion ng naturang talent search, at mula noon, nakita at narinig na ang husay niya sa iba’t ibang mga tours, guestings at variety shows gayon din sa pag-awit niya ng teleserye theme songs.

Isa na nga rito ang ending theme ng My Husband’s Lover na “Help Me Get Over” na tinanghal na Song of the Year sa 6th PMPC Star Awards for Music.

Huwag palampasin ang “#Fearless: The Repeat” ngayong Nov. 14, 8 p.m. sa Music Museum. Para sa ticket, call lang sa TicketWorld (8919999) o sa Music Museum (7210635).

Samantala, sa pocket presscon na ibinigay ng GMA kay Jonalyn para sa kanyang second major concert, natanong namin siya kung bakit dinedma siya ng mga dati niyang  kasamahan sa La Diva na sina Maricris Garcia at Aicelle Santos sa concert ni Frencheska Farr sa Teatrino Greenhills noong nakaraang Huwebes.

“Siguro that time, nahiya lang po ako. Nagkahiyaan, nagkahiyaan kami,” sagot ng singer kasabay ng pag-amin na nagkaroon talaga ng hindi pagkakaunawaan noon sa grupo.

“Kung anuman yung nangyari before, ano na lang po, iiwan namin nang ganoon na lang. Hindi lang po pagkakaintindihan. May mga gusto rin tayo na gawin as individuals.

Kanya-kanya rin po na fans club. Nagkakasama-sama kami sa Sunday All Stars. Kapag may chance naman, nagpapansinan kami. Nag-uusap-usap.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending