John Lloyd may anak daw sa pagkabinata | Bandera

John Lloyd may anak daw sa pagkabinata

Alex Brosas |October 21,2014
facebook
share this

John Lloyd may anak daw sa pagkabinata

Alex Brosas - October 21, 2014 - 03:00 AM

john lloyd cruz
SI John Lloyd Cruz ba ang sinasabing me anak na babae?

We’re asking this after a website, getitfromboy.com posted an article asking if a University of the Philippines Los Baños (UPLB) female was referring to the Kapamilya actor when she posted “Shocking revelations” on a Facebook page na tinawag na “The Elbi Files” na para pala sa mga UPLB students.

On Dec. 8, 2013, as reported by the website, “The alleged daughter revealed that her father is a Tabing Ilog star. She said: ‘Anak ako ng isang kapamilya star, at na discover ito ng prof ko nung friday. anak ng taga tabing Ilog, CAS, 201*.”

Noong Sept. 26, 2014 naman ay nagpatutsada pa ang girl sa anak ni Phoemela Baranda at sinabing buti pa ang anak ng TV host-model ay inilantad na kahit na wala naman daw itong alam kundi puro kaarethan samantalang siya na UPCAT passer ay hindi pa rin ina-acknowledge ng actor na anak niya.

Sabi pa niya, kapag nagpa-interview siya sa The Buzz ay tiyak na mas sisikat pa siya kay Kathryn Bernardo. Just recently, last Oct.  11 ay nagbitaw na naman ng clues ang sinasabing anak ng isang actor and said na isinama siya sa tour nito sa Los Angeles at ipinagmalaki pa siya ng actor na nag-aaral sa UPLB. Pero ang ikinaloka niya ay sinabi ng actor na pamangkin niya ito.

Doon nasaktan nang husto ang dalaga. Na-hurt siya dahil sa mismong bibig ng kanyang ama nanggaling ang pagtanggi sa kanya. Hindi niya tuloy na-enjoy ang tour at mas gusto na lang daw niyang pumasok na lang sa school at kumain ng kwek-kwek.

According to the website, marami ang nanghula sa identity ng actor. While others thought that it was Baron Geisler, marami rin ang nagsabing maaaring ito ay si John Lloyd Cruz dahil na rin sa mga clues na iniwan ng mystery girl na “AnakngEyebags” dahil kilala si John Lloyd sa kanyang malaking eyebags; KantoGirlLiveinLA, John Llyd Cruz being a member of ASAP’s Kanto Boys; at “Kahit ang sakit sakit na” na isang linya sa movie ni Lloydie na “One More Chance”.

Marami rin ang nagda-doubt na si John Lloyd ang tatay ng girl dahil 31 pa lang ang actor, eh, college student na ang girl. Da who nga kaya ang actor na merong anak sa UPLB? Mag-react kaya rito ang kampo ni John Lloyd?

Ang mas mabuti siguro ay lumantad na ang UPLB girl at pangalanan ang sinasabi niyang father niya nang magkaalaman na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending