Charice ayaw magpalagay ng Pototoy | Bandera

Charice ayaw magpalagay ng Pototoy

Cristy Fermin |October 21,2014
facebook
share this

Charice ayaw magpalagay ng Pototoy

Cristy Fermin - October 21, 2014 - 03:00 AM

charice pempengo
Mabuti naman at hindi sumobra sa kinakailangan lang ang naging sagot ni Charice Pempengco nang tanungin siya ng kanyang Ninang Oprah Winfrey tungkol sa kanyang kasarian.

“My soul is like male,” sabi ni Charice. Wala raw siyang planong magpapalit ng kanyang “sandata,” tama nang alam niya at nararamdaman niya na lalaki siya sa puso at isip, pero wala siyang papapalitang anumang bahagi ng kanyang katawan.

Maraming pumabor sa isinagot ni Charice, dapat daw namang wala siyang anumang papalitan sa kanyang katawan, dahil kalabisan na ‘yun.

Marami pa namang napopormahan kay Charice, tibo na nga raw siya ay tinitibo pa niya ang sitwasyon sa pagpormang tibung-tibo, ‘yung para bang gusto niyang ipakadiin sa publiko ang kanyang kasarian.

Pero sa sinabi niya na hanggang sa ganito na lang ang pagkatibo niya, ‘yung ramdam niyang lalaki siya at babae ang minamahal niya, ay maraming nagsabing pinahahalagahan pa rin naman pala ng international singer ang paniniwala ng kanyang ina at mga kamag-anak.

Maraming sumang-ayon sa katwiran ni Charice na hindi siya darating sa pagkakataong magpapapalit siya ng ari. Tama nang pormang-lalaki siya at pusong-lalaki, maligaya na siya sa ganitong sitwasyon.

At kung saan siya maligaya ay ibigay na lang natin ‘yun sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending