John Lloyd ayaw pang pakasalan si Angelica | Bandera

John Lloyd ayaw pang pakasalan si Angelica

Ervin Santiago |October 21,2014
facebook
share this

John Lloyd ayaw pang pakasalan si Angelica

Ervin Santiago - October 21, 2014 - 03:00 AM

angelika panganiban
WALA pang balak mag-propose si John Lloyd Cruz kay Angelica Panganiban.

Ayon sa Kapamilya leading man hindi naman siya nape-pressure na pakasalan na ang kanyang gilfriend dahil lang sa nauuso ito ngayon sa showbiz.

At kahit na nga laging sinasabi ni Angelica na nakahanda na ito kapag niyaya na siyang pakasal ni Lloydie dahil feeling niya nasa tamang edad na siya, wala pa rin sa priorities ng aktor ang bumuo ng sariling pamilya sa ngayon.

“I think, marami lang masaya at sa sobrang saya nila, papunta na sila dun. And I can’t blame you for asking because nasa tamang edad na ako, nasa tamang edad na kami.

Siguro kung mangyari man, I’m sure malalaman niyo rin,” ani Lloydie sa interview ng The Buzz noong Linggo. “Kahit nga ako, hindi ko pa rin alam. So, siguro dapat malaman ko muna.

And then, malalaman niya and malalaman niyo. I think, yun ang tamang process. Pero at this point, wala,” sabi pa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending