Kylie mas pinili ang pag-aartista kesa Relihiyon | Bandera

Kylie mas pinili ang pag-aartista kesa Relihiyon

Ervin Santiago |October 20,2014
facebook
share this

Kylie mas pinili ang pag-aartista kesa Relihiyon

Ervin Santiago - October 20, 2014 - 03:00 AM

kylie
“NAKAKATAKOT talaga!” Ito ang ginawang pag-amin ni Kylie Padilla sa desisyon niyang isantabi muna ang relihiyon para mas mapagbuti pa ang kanyang trabaho bilang artista.

Ayon kay Kylie, mahihirapan siyang pagsabayin ang pagsunod sa mga kautusan ng relihiyong Islam at pagiging aktres. Hindi pa sila nagkakausap ng kanyang amang si Robin Padilla tungkol dito pero umaasa siya na maiintindihan din ito ng action star.

“Hindi ko na po kailangang sabihin, nararamdaman na niya. Kasi kapag napag-usapan baka hindi lang niya maintindihan. Ang hirap po kasing pagsabayin yung pag-aartista at paniniwala.

“Sa buhay ko ngayon, pinili kong i-focus yung sarili ko sa pag-aartista. Ngayon kung may magagalit or idya-judge ako, that’s their choice, wala po akong magagawa sa mga tao,” paliwanag ng aktres na super busy ngayon dahil sa dami ng kanyang mga proyekto, kabilang na ang bago niyang bayani serye, ang Ilustrado kasama si Alden Richards na magsisimula na ngayong gabi sa GMA TeleBabad at ang horror movie nila ni Rayver Cruz na “Dilim” under Regal Entertainment.

Dagdag pa ng Kapuso actress, “Nakakatakot po talaga ang decision ko. Hindi naman po basta-basta sinasabi yan, ginagawa yan, ang dami pong Muslim.

So marami po talagang nakatingin sa akin ngayon. Kilala yung tatay ko. Pero for me I have my right naman to my life.” “I stil believe in being a good person.

Pero kailangan ko munang bigyan ng pagkakataon yung artist sa sarili ko. And sabi ko nga, whatever people say, basta alam mo sa sarili mo na hindi ka naman masamang tao.

At nakikita ni God yun kahit ano pang gawin mo,” pahayag pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending