Solenn sa kasal: Ako muna bago sina Anne at Erwan! | Bandera

Solenn sa kasal: Ako muna bago sina Anne at Erwan!

Ambet Nabus |October 19,2014
facebook
share this

Solenn sa kasal: Ako muna bago sina Anne at Erwan!

Ambet Nabus - October 19, 2014 - 03:00 AM

solenn huesaff
ISA na marahil sa pinakamasarap kausap na artista si Solenn Heussaff.

Wala kasing pretensyon ang napakagandang babaeng ito at marespeto siya sa press. “At the end of the day, lalo na sa business na ito (showbiz), malalaman at malalaman ng mga tao kung nagpapakatotoo ka,” bahagi pa ng tsika ng seksi at magaling na aktres na gaganap bilang si Nellie Bousted sa kauna-unahang bayani serye ng GMA 7 na Ilustrado.

Gaya ng karakter niya sa serye, liberal at matatag din si Solenn, “Si Nellie ‘yung babaeng pakakasalan na sana ni Dr. Jose Rizal, sa history natin nakilala siyang very liberated.

“Isa siyang French, but based on research, ay mixed of Bristish at French si Nellie. Ayaw lang niyang talikuran ‘yung pagiging Protestant niya kaya di sila nagkatuluyan ni Pepe (Jose Rizal),” kuwento ni Solenn.

Aliw na aliw si Solenn sa kuwento Ilustrado na mapapanood sa GMA TeleBabad simula ngayong Lunes ng gabi, dahil bukod sa nararanasan nila ang buhay noong 18th century, bilib na bilib din siya sa co-stars niya sa serye tulad nina Jaclyn Jose, Eula Valdez, Ricardo Cepeda, Freddie Webb, Lito Legaspi, Polo Ravales, lalo na kina Kylie Padilla at Alden Richards na siyang gaganap bilang Leonor Rivera at Jose Rizal.

“You will love Alden here. Talagang in character siya lagi sa set as Pepe. Masarap siyang katrabaho dahil napaka-dedicated at mahusay pang makisama sa lahat. Napakabait na tao,” pagmamalaki pa ni Solenn sa Kapuso matinee idol. Kaya mapalad daw ang babaeng magugustuhan ng binata.

Still on Solenn, inamin ng dalaga na three years na silang nagli-live in ng kanyang non-showbiz BF. Sa ganitong set-up daw nila nare-rediscover ang isa’t isa at para sa aktres ay magandang pundasyon ito kung magdedesisyon na silang magpakasal.

“Actually, papel na lang ang kulang. We have our share of our ups and downs, pero I’m telling you na mas nagiging strong kami as individuals and as a couole,” sey pa nito sabay sabing hindi niya raw hahayaang maunahan siya ng kapatid na si Erwan Heussaff at kaibigan na si Anne Curtis.

Nang mapadako ang usapan sa ex-BF niyang si papa Derek Ramsay na napaka-kontrobersyal ngayon dahil sa pagwawala ng kanyang estranged wife, inamin ni Solenn na matagal na siyang walang kontak sa hunk actor-TV host. Seventeen years old lang daw siya ng maging sila ni Derek while 28 naman si Derek.

In fairness, maayos naman silang naghiwalay ni Derek at kung nada-drag man daw ang name niya sa issue ni Derek at ng dati nitong asawang si Mary Cristine Jolly ay wala daw siyang magagawa.

“Wala akong sasabihin about their problem dahil wala naman akong kasalanan or whatever. Matagal na akong naka-move on, so move on guys,” pahayag pa ng napakaprangkang leading lady ni Alden sa Ilustrado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending