Billy, Nikki gimik lang daw ang paghihiwalay | Bandera

Billy, Nikki gimik lang daw ang paghihiwalay

|March 19,2012
facebook
share this

Billy, Nikki gimik lang daw ang paghihiwalay

- March 19, 2012 - 03:22 PM

NOONG isang Linggo pa namin inanunsyo sa programa namin sa DZMM Teleradyo ang mga nakarating sa aming tsismis na umano’y nag-break na finally sina Nikki Gil at Billy Crawford matapos ang mahigit na apat na taon nilang relasyon.

Umiiyak pa nga ang mga fans nila na nagtatanong sa amin that time nang malaman nila ang kuwento, at sinubukan naming kunan sila ng pahayag dahil hindi nga rin kami naniniwala sa naturang tsika.

Hanggang ngayon ay walang gustong magkumpirma o mag-deny ng balita though kalat na nga ang tsikang ito lalo na du’n sa mga nanonood ng It’s Showtime araw-araw.

Nakakalungkot naman, di ba kapatid na Ervin dahil isa nga tayo sa mga umasa na sa kasalan na mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

Sana nga ay tsismis lang ito at isang malaking gimik lang dahil nga balitang magkakawalay sina Nikki at Billy for two months or so dahil babalik na ng abroad si Billy to resume his international recording career.

Bongga naman ang acting career ni Nikki kaya sana, at sana nga ay nagkamali lang ng dinig ang mga nagbalita sa amin hinggil sa umano’y naging malaking diskusyon ng dalawa tungkol sa tsismis na final break-up nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending