Hayden Kho natakot, ayaw nang makipag-sex | Bandera

Hayden Kho natakot, ayaw nang makipag-sex

Jobert Sucaldito |October 15,2014
facebook
share this

Hayden Kho natakot, ayaw nang makipag-sex

Jobert Sucaldito - October 15, 2014 - 03:00 AM

hayden kho
Natawa ako sa bagong press release ni Hayden Kho – na kesyo hindi na raw siya makikipag-sex with any girl hangga’t hindi siya kasal. “Ngayon pa! Nakakaloka ang lalaking iyan! Hindi na nawalan ng gimik sa katawan.

Or baka sawa na siya sa mga sexcapades niya, his sex videos not included – kaya nagbago siya ng kadramahan sa buhay. Sa palagay ba niya ay mapapaniwala niya ang madlang people sa sinabi niyang ayaw na niyang makipag-sex hangga’t hindi siya kasal.

“Hasus garbanzos tomato sauce! Wala na bang bagong isyu sa iyo, Hayden? Puro sex na lang. Nagpaka-Christian ka na’t lahat-lahat sex pa rin ang nasa utak mo.

Mag-iba ka na kaya ng landas. Ha-hahaha!” talak ng isang baklitang nakatsikahan namin yesterday. Bakit ba ayaw ninyong paniwalaan si Hayden? Tao lang naman iyan at may karapatan ding magbago at mag-iba ng diskarte sa buhay like many of us, di ba? Bakit hindi na lang natin respetuhin ang kaniyang desisyon?

“Desisyon? Desisyon ba iyon o joke? Kaloka siya, ‘no! After niyang bulabugin ang showbiz sa mga kadyot niya magsasabi naman siya ng ayaw niyang makipag-sex hangga’t hindi siya kasal.

Mamatay? Malay naman natin kung totohanin niya ang sinasbai niyang ito, ‘no!  “Bakit, kasama ba niya tayo 24 hours a day? Sinasabi lang niya iyan para makakuha ng mileage pero ang totoo niyan, hindi niya kayang pigilan ang elya niya.

Mark my word,” dagdag pa ng friend nating ito. Hayaan na lang natin si Hayden kung iyon ang gusto niya. Walang basagan ng trip, okey?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending