Pagwawakas ng Ikaw Lamang inaabangan na ng madlang pipol | Bandera

Pagwawakas ng Ikaw Lamang inaabangan na ng madlang pipol

Ervin Santiago |October 13,2014
facebook
share this

Pagwawakas ng Ikaw Lamang inaabangan na ng madlang pipol

Ervin Santiago - October 13, 2014 - 03:00 AM

coco martin
Huling dalawang  linggo na lang ang master seryeng Ikaw Lamang na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Coco Martin at KC Concepcion sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Napapanood na ng madlang pipol ang teaser trailer ng magiging finale week ng Ikaw Lamang na may tagline na “Full Circle” na ang ibig sabihin nga, malapit nang magwakas ang number one primetime series sa telebisyon ngayon.

Sa direksiyon pa rin nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco, asahan na ang mas pinatindi pang mga eksena sa serye, ano nga ba ang kahahantungan ng paghihiganti ni Gabriel (Coco) laban kina Franco (Boyet de Leon)? Magkaroon kaya ng happy ending ang pag-iibigan nina Gabriel at Andrea (Kim)? At ano naman ang magiging pasabog ni Natalia (KC)   ngayong alam na niya kung sino talaga ang minamahal ni Samuel? Handa nga ba siyang gawin ang lahat para mapasakanya ang lalaking iniibig?

Tutukan din kung ano ang magiging ending ng mga karakter nina Amy Austria bilang si Isabelle, Joel Torre bilang si Samuel, pati na rin ang kasumpa-sumpang si  Mylene Dizon bilang doble karang chief of staff ni Franco.

Kaya patuloy na subaybayan ang Ikaw Lamang para hindi mahuli sa kuwentuhan, mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Hawak Kamay sa ABS-CBN Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending