Sigaw ni DJ Durano: Bakit ako lang ba ang pumapatol sa bading? | Bandera

Sigaw ni DJ Durano: Bakit ako lang ba ang pumapatol sa bading?

Ervin Santiago |October 13,2014
facebook
share this

Sigaw ni DJ Durano: Bakit ako lang ba ang pumapatol sa bading?

Ervin Santiago - October 13, 2014 - 03:00 AM

dj durano

BILIB kami sa pagpapakatotoo ng character actor na si DJ Durano. Diretsahan na kasi niyang inamin sa harap ng ilang miyembro ng entertainment press ang naging relasyon nila ng box-office director na si Wenn Deramas.

Sa presscon ng bagong pelikula ni direk Wenn, ang “Moron 5.2” nagsalita si DJ tungkol sa nakaraan nila, at aniya, hindi niya ikinahihiya ang pagiging magdyowa nila noon ng direktor.

At natutuwa siya na kahit naghiwalay na sila ni direk Wenn ay nananatili pa rin silang magkaibigan. Sa katunayan patuloy pa rin siyang tinutulungan ngayon ni direk Wenn sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng mga proyekto, tulad nga ng part two ng “Moron 5” kung saan isa rin siya sa original cast along with John Lapus, Luis Manzano, Marvin Agustin, Billy Crawford at ang bagong miyembro ng grupo na si Matteo Guidicelli.

“Natutuwa ako na naintindihan niya ang naging desisyon ko. Magkaibigan pa rin naman kami at forever akong magiging grateful sa mga naitulong niya sa akin,” ani DJ na kinumpirma ring meron na siyang bagong girlfriend ngayon.

Diretso ring sinabi ng aktor na hindi niya pinagsisisihan ang pakikipagrelasyon sa direktor,  sa kabila ng paghusga sa kanya ng ibangbtao. “Bakit parang ang sama-sama ng tingin nila sa akin?

Ako lang ba ang nakikipagrelasyon sa gay? I mean, hindi lang naman ako ang gumagawa ng ganito, ‘di ba? Marami rin naman diyan, ah! Bakit ako lang ‘yung parang hinuhusgahan nila?” ang may himig sama ng loob ni DJ Durano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending