Babala kay JM: Wag nang bumalik sa pagdodroga | Bandera

Babala kay JM: Wag nang bumalik sa pagdodroga

Julie Bonifacio |October 12,2014
facebook
share this

Babala kay JM: Wag nang bumalik sa pagdodroga

Julie Bonifacio - October 12, 2014 - 03:00 AM

jm guzman
Tiyak na marami ang nag-abang sa kauna-unahang pagbibida ng dating GMA at TV5 star na si Nadine Samonte sa episode ng Maalaala Mo Kaya kagabi kasama ang nagbabalik na si JM de Guzman.

Isa sa mga naunang member ng ng Star Circle Batch 10 si Nadine, kasabay niya noon si Bea Alonzo. We heard, tapos na ang kontrata ni Nadine sa TV5 at freelancer na siya kaya nakabalik na siya sa ABS.

Anyway, gumanap si Nadine bilang pekeng GF ni JM sa nasabing MMK episode para layuan ang isang bading. Ito’y idinirek ni Nuel Naval. Sigurado kaming marami na namang pinahanga sina Nadine at JM sa akting nila sa MMK.

At sana nga ay magtuluy-tuloy na ang pagbabago ni JM dahil sayang ang chance na ibinigay sa kanya ng ABS matapos siyang malulong sa masamang bisyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending