Nadine Kapamilya na, bida agad sa MMK | Bandera

Nadine Kapamilya na, bida agad sa MMK

Ervin Santiago |October 11,2014
facebook
share this

Nadine Kapamilya na, bida agad sa MMK

Ervin Santiago - October 11, 2014 - 03:00 AM

nadine samonte
BIBIDA ang Kapamilya actor na si JM de Guzman sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong gabi. Gaganap siya sa upcoming episode bilang si Joeven, ang binatang nagawang iwasan ang binabaeng may gusto sa kanya sa tulong ni Rachel (gagampanan ni Nadine Samonte) na pumayag na magpanggap bilang girlfriend niya.

Posible nga bang mauwi sa seryosohang pag-iibigan ang relasyong nagsimula sa kunwa-kunwarian? Kasama nina JM at Nadine sa MMK episode sina Neil Coleta, Karen Reyes, Almira Muhlach, Paco Evangelista, Elaine Quemel, Kim Molina, Dawn Jimenez at Aina Solano.

Ito’y sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Malou Santos at creative manager Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang Maalaala Mo Kaya na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK, tuwing Sabado, 8 p.m. pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending