Jessica Soho binatikos dahil sa mga bungal na bading | Bandera

Jessica Soho binatikos dahil sa mga bungal na bading

Alex Brosas |October 08,2014
facebook
share this

Jessica Soho binatikos dahil sa mga bungal na bading

Alex Brosas - October 08, 2014 - 03:00 AM

jessica soho
TILA nawala ang sense of discernment ni Jessica Soho when it featured gays na bukod sa hindi na kagandahan ay bulok pa ang mga ngipin.

Halos magwala sa galit ang isang retired veteran writer when he watched the recent episode of Jessica’s show na nagtampok sa mga baklang gusgusin at merong bulok na ngipin.

Sukang-suka ang writer dahil parang walang pakialam ang show ni Jessica kung ipahiya ang mga beki sa madlang pipol by showing their poor oral hygiene.

For the writer ay talaga namang kadiri ang pinaggagawa ng show sa mga bakla. Kailangan pa ba naman daw na i-close up ang mga bulok na ngipin ng mga ito. Hindi ba’t isa itong PAMBABABOY sa mga beki?

In  bad taste ang segment na ‘yon about the bekis. Bakit nga naman kailangang i-close up pa ang mga bungal na bading? Bakit kaya pinapayagan ni Jessica ang ganitong feature sa kanyang show? Wala ba siyang sense of discernment kung ano ang maganda at kung ano ang nakadidiri sa telebisyon?

Isa pa, why pick a topic that will put gays in a very bad light? Bakit mga bakla ang pinili niya para palabasing may bad oral hygiene? Ayun, nagmukha siyang hindi gender-sensitive.

Kesehodang binigyan pa nila ng pustiso ang mga ito, hindi pa rin siya magandang tingnan.Ano ba ang nangyayari kay Jessica? Sa ngalan ng rating ay ipi-feature niya kahit na alam nilang mandidiri ang viewers? Hindi ba niya alam na ang daming

NASUKA sa segment niyang iyon about gays? To some, the segment was a big PANG-IINSULTO at PAGLALARO sa mga beki. Marami tuloy ang na-turn off sa show dahil sa nangyari.

Bakit kaya hindi na lang i-feature ni Jessica ang mga taong mala-elepante sa taba at kunan sila ng photo, close-up style, ha, para ipakita kung gaano kalapad ang kanilang balakang, kung gaano kalaki ang kanilang pata at kung gaano kapintog ang kanilang mga pisngi. Any comment, Jessica?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending