Lloydie: Sorry kay Dennis, pero mas maswerte ako! | Bandera

Lloydie: Sorry kay Dennis, pero mas maswerte ako!

Ervin Santiago |October 05,2014
facebook
share this

Lloydie: Sorry kay Dennis, pero mas maswerte ako!

Ervin Santiago - October 05, 2014 - 03:00 AM

john lloyd cruz
Feeling ni John Lloyd Cruz mas maswerte siya kay Dennis Trillo. Sa presscon kasi ng “The Janitor” kung saan magkasama sina Dennis at Richard Gomez, sinabi ng Kapuso actor na kinabahan at na-intimidate siya noong una silang magkasama sa shooting.

Inamin  kasi ni Dennis na bata pa lang siya ay super fan na siya ni Goma, sa katunayan halos lahat daw ng pelikula ng aktor ay napanood niya, kabilang na ang “Super Islaw” at “Tuklaw”.

Sa presscon naman ng pelikulang “The Trial”, sinabi ni John Lloyd na mas lucky siya kay Dennis dahil nabigyan na siya noon ng chance na makatrabaho si Goma, partikular sa sitcom na Palibhasa Lalaki.

Sey ni Lloydie, “Sorry kay Dennis, pero suwerte ako, kasi bata pa lang ako, nakatrabaho ko na si Goma. So, ayun, napakasuwerte ko na nakaabot pa ako sa generation ng mga talagang tinitingalang artista noong generation na ‘yun.

Sila talaga ‘yung mga classic…mali ‘yung classic, ‘no!” natawang sabi pa ni John Lloyd. “Ang ibig kong sabihin, napakasuwerte ko na inabot ko pa ang mga artistang katulad nila.

With the likes of… hindi sila Kuya Goma, hindi mo ka-batch ‘to, pero naabutan ko pa sila Tatay Johnny (Delgado). Napakasuwerte ko na naabutan ko pa ang katulad nila.

“Unfortunately, yung mga director na gusto kong makatrabaho, hindi na siguro posible ngayon,” paliwanag pa ng aktor na gumaganap bilang isang mentally-challenged sa “The Trial”.

Showing na sa Oct. 15 ang movie under Star Cinema directed by Chito Roño, at bukod kay Goma, kasama rin dito sina Gretchen Barretto, Enrique Gil, Jessy Mendiola, Benjamin Alves, Sylvia Sanchez at marami pang iba.

Sa trailer pa lang ng “The Trial” maaantig na ang inyong mga puso kaya promise namin, talagang panonoorin namin ang pelikulang ito. As in!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending