Jake: Si Andi po ang greatest love ko! | Bandera

Jake: Si Andi po ang greatest love ko!

Ambet Nabus |October 02,2014
facebook
share this

Jake: Si Andi po ang greatest love ko!

Ambet Nabus - October 02, 2014 - 03:00 AM

jake ejercito
DAHIL first time na nagpahayag at nagbigay ng bonggang-bonggang saloobin si Jake Ejercito sa love story nila ni Andi Eigenmann, marami ang naniniwala na sooner or later ay magkakabalikan din ang sila ng aktres.

Naging tatak na kasi nila ang “on and off” relationship kaya marami ang nagsasabing sa ending ng kanilang nakakalokang pag-iibigan ay sila pa rin ang magkakatuluyan. Childhood friends ang dalawa (as in mga baby pa lang sila ay may bonding moments na sila) at kahit na noong naiskandalo ang aktres dahil sa maagang pagbubuntis’ ay naging malaking bahagi si Jake bilang kaibigan.

Since then nga ay mas naging malalim ang relasyon nila. “Andi was the only girl I loved for four years and still is my greatest love,” ang bahagi ng pahayag ng binatang anak ni Mayor Erap Estrada matapos ngang maglabas ng kanyang sama ng loob si Andi tungkol sa kanilang relasyon.

Simula kasi ng aminin ng dating PBB housemate na si Bret Jackson ang panliligaw kay Andi ay nagkataon namang pinuputakti na ng intriga si Jake bilang isang babaero na nakikipag-date at nakikipaghalikan pa sa ibang girl.

Sa interview ni Andi sa The Buzz noong Linggo, halata ang pagkakaroon pa rin ng agam-agam sa sarili kahit na inamin na nga nitong nanliligaw sa kanya si Bret.

Ayon pa sa batang aktres, ayaw niyang magsalita ng tapos kahit nag-break na sila ni Jake dahil baka daw sa bandang huli ay magbalikan din sila.

Nakakaloka, pero parang pareho naman sila ng nararamdaman ng binata, lalo pa’t hinayaan na nga nitong maisapubliko ang kanyang pagkahumaling kay Andi!

And take note kapatid na Ervin ha, mismong si Andi na ang nagsabi na posible pa ring magbalikan sila ni Jake dahil hindi niya kontrolado ang kanyang puso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending