Bistek: Yung sa amin ni Kris, biglang naudlot! | Bandera

Bistek: Yung sa amin ni Kris, biglang naudlot!

Ervin Santiago |October 02,2014
facebook
share this

Bistek: Yung sa amin ni Kris, biglang naudlot!

Ervin Santiago - October 02, 2014 - 03:00 AM

kris aquino
AYAW nang hintayin ni Jake Cuenca na malaos siya kaya naman pinili na niyang magretiro sa pagrampa sa taunang underwear fashion show ng isang clothing line kamakailan.

“Para sa akin, binigay ko na lahat. Huli ko na ‘yon. Hindi ko na ulit ‘yon gagawin. Ayaw kong dumating sa punto na ‘di ka na tinitilaan kapag lumalabas,” paliwanag ni Jake sa Tapatan ni Tunying na mapapanood ngayong hapon sa ABS-CBN.

Sa kabila ng mga punang natanggap, happy pa rin ni Jake sa naging pasabog niya sa naturang fashion show kung saan walang takot siyang rumampa na tanging jock strap lang ang suot at nakabuyangyang pa ang kanyang likuran, “Yung mga tilian ng mga tao and everything was so amazing.

Sana lang mas nakapag-work out pa ako kasi ang taba ko,” aniya. Samantala, sa hiwalay na panayam ay nagsalita naman si Quezon City Mayor Herbert Baustista tungkol sa naging relasyon nila ni Kris Aquino.

“Ang pagiging boyfriend-girlfriend kasi, nasasabi at naipapakita niyo ‘yong totoong nararamdaman niyo. Hindi kami umabot doon,” sabi niya. “Alam mo ‘yong infant stage ng relationship? Ganoon ‘yun tapos biglang naudlot,” ani Bistek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending