Horoscope, October 01, 2014 | Bandera

Horoscope, October 01, 2014

Madam Sophia |October 01,2014
facebook
share this

Horoscope, October 01, 2014

Madam Sophia - October 01, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Unang araw ngayon ng Oktubre att kung magsisimba, magsuot ng yellow na damit upang maakit ang suwerte sa pinansyal at pag-ibig. Kung sawa ka na sa yellow, buenas din ang red at pink. Mapalad ang 4, 19, 25, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit.”

Aries – (Marso 21-April 19)—Kausapin ang taong nakasamaan ng loob makipagbati ka na sa kanya upang ngayon pa lang ay gumanda na ang pasok ng Holiday Season. Sa pinansyal, kapag wala kang kagalit lalo kang susuwertehin. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipagrelasyon sa isang Sagittarius. Mapalad ang 3, 9 18, 24, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin.” Purple at magenta ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—May babala ng karamdaman, ingatan ang kalusugan. Wag nang  bumili ng mga pagkaing may food color at may preservatives. Sa pag-ibig, kapag hindi ka muling nagpa-sexy, sige ka, baka maghanap ng iba ang kasuyo. Mapalad ang 3, 6, 14, 31,33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Om-Dosha.” Maroon at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Kahit hindi panahon ng eleksyon ay kailangang tumulong ka sa iyong kapwa. Habang isinasagawa ang serbisyo publiko,  kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, habang tumutulong sa kapwa ng bukal sa loob, kusang darating ang true love.  Mapalad ang 2, 11, 19, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Om.” Red at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag masyadong mabahala sa future. Sa halip, gawin ang pinaka-the-best na magagawa mo sa araw na ito. Sa ganyang paraan kusang gaganda ang future. Sa pag-ibig, yakapin ng mahigpit ang kasuyo at mga mahal sa buhay, ito ang huling araw upang ipadama ang init ng iyong pag-ibig.  Mapalad ang 7, 18, 26, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Blue at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Pagdating ng bahay ay bulungan ng “I love you” ang kasuyo  upang muling uminit ang nalalamig na relasyon. Sa pinansiyal, tandaan ang basic principle: “Habang may pagmamahalan sa tahanan, patuloy ang dating ng magandang kapalaran.”. Mapalad ang 5, 19, 23, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Orange at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Lutasin na agad ang problema bago pa ito lumala. Wag nang hintaying lumaki  ang tubo at penalty ng iyong mga utang, magbayad na agad. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong Taurus na magtipid-tipid naman. Mapalad ang 6, 17, 24, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.

 Libra – (September 23-October 23)—Pagpasensiyahan ang kasuyong walang kuwenta, darating ang panahong magiging matino din siya. Sa pinansyal, talagang ganoon wala talagang ibang maasahan kundi ang sarili mo. Dagdagan pa ang pagsisipag upang lalo pang umunlad. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Ngayon pa lang paghandaan na ang iyong nalalapit na kaarawan. Tipid lang ang kailangan upang may magamit na panggastos sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 8, 15, 23, 28, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Isarado ang bibig at manahimik! Mas malaking halaga ang kikitain kung matututong mag-meditate. Sa pag-ibig, laging yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad. Mapalad ang 7, 11, 25, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Egosum-Om-Obre-Om.” Pink at silver ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Sa pinansyal, tuloy ang pag-angat ng kita, ngunit nakakataka kung bakit hindi ka lubusang masaya? Sa pag-ibig, tama ang iyong sapantahan, sa isang Cancer matatagpuan ang ganap na ligaya. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” White at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Paghandaan ang kapaskuhan! Wag na uling pagtaguan ang mga inaanak. Kung ikaw kaya ang pagtaguan, anong lungkot ang iyong mararamdaman! Ngayon palang mag-ipon ka na ng ibibigay sa mga inaanak. Mapalad ang 1, 23, 26, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Haram-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kung hindi ka lalapit sa isang kamag-anak, paano mo malulutas ang problema? Sa pag-ibig, kung hindi mo kayang lumapit na mag-isa sa mga dapat lapitan, pasama ka at yayain ang kasuyong malakas ang loob. Mapalad ang 2, 11, 26, 28, 34 at 42. Mahiwaga mong mantra:  “Veda-Jahur-Jahur-Veda”. Blue at white ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending