Coco: Humihingi ako ng patawad sa lahat ng nasaktan ko! | Bandera

Coco: Humihingi ako ng patawad sa lahat ng nasaktan ko!

Alex Brosas |October 01,2014
facebook
share this

Coco: Humihingi ako ng patawad sa lahat ng nasaktan ko!

Alex Brosas - October 01, 2014 - 03:00 AM

COCO MARTIN

COCO MARTIN

NAGSALITA na sa wakas si Coco Martin about the Bench fashion show controversy kung saan rumampa siyang may hila-hilang female model na parang hayop. Talagang umani ng batikos ang aktor mula sa mga women’s group.

Sa episode ng Aquino & Abunda Tonight last Monday, inamin ni Coco (sa pamamagitan ng text message kay Kris Aquino) na naapektuhan siya sa mga nababasa at naririnig niyang balita against him after his appearance at The Naked Truth underwear show a week ago.

“Honestly po, sobra akong nalungkot sa mga nangyari,” ayon kay Coco as he admitted his mistakes. He then asked for forgiveness and understanding from those who gor offended with what he did on stage.

“Inaamin ko po ang naging pagkukulang ko. Dala na rin po sa pagod sa araw-araw na trabaho, hindi ko nakita ang malalim na kahulugan ng pinagawa sa akin sa Bench fashion show,” he said.

“Humihingi po ako ng patawad at pag-intindi sa mga kinauukulan, kasama ang pangako na magiging mas sensitibo ako sa mga isyung may patungkol sa karapatang pantao ang pangkababaihan,” he further claimed.

“Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang lola, ang mommy ko, at mga kapatid kong babae. Hindi ko magagawang tahasang mang-insulto ng babae sa anumang paraan,” pahayag pa ni Coco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending