Makapag-aasawa ba ng foreigner? (2) | Bandera

Makapag-aasawa ba ng foreigner? (2)

Joseph Greenfield |September 30,2014
facebook
share this

Makapag-aasawa ba ng foreigner? (2)

Joseph Greenfield - September 30, 2014 - 02:14 PM

Sulat mula kay Jenny Baroc-baroc, Belison, Antique  
Dear Sir Greenfield,
1.      Ako po ay 23 years old na at dahil sa kahirapan ng buhay, nangarap po akong makapag-abroad. Hanggang sa may nakilala po akong foreigner na minsan ay nag-tourist dito sa Antique, naging kaibigan ko po siya at di nagtagal naging kami at naibigay ko sa kanya ang aking pagkababae. Makalipas ang ilang buwang pamamalagi nya sa atin umuwi po siya ng Canada. At mula noon sa cell phone at sa chat na lang kami sa internet nagkakausap. May pangako po siya sa akin na babalikan nya ako dito sa Pilipinas, isasama sa Canada at pagkatapos ay magpapakasal na daw kami. Pero mag-iisang taon na ang lumilipas di pa rin siya bumabalik at ang lagi niya sa aking sinasabi ay “busy” pa raw siya sa kanyang business.
2.      Ang gusto ko lang malaman ay kung totohanin kaya niya ang kanyang pangako na babalikan niya ako, dadalhin sa Canada, doon kami magpapakasal at doon na raw kami bubuo ng isang maunlad at masayang pamilya. Magkatotoo kaya ang pangako niyang iyon at compatible po ba ang birthday kong February 13, 1991 at birthday niyang October 7, 1981?
Umaasa,
Jenny ng Antique
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 1. ) ang nagsasabing ka-compatible mo ang boyfriend mong taga-Canada na isang Libra, dahil ang Libra at Aquarius ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong air o hangin
Numerology:
Sa Numerology, ay ganon din tugma din ang birth date mong 13 sa birth date na 7 ng boyfriend mong taga-Canada. Ibig sabihin sadyang napakalaki ng tsansa na kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama ng masaya habang buhay.
Luscher Color Test:
Ugaliin mong magsuot ng kulay na pula o kaya’y berde. Sa nasabing dalawang mahiwagang kulay lalong bubuti at gaganda ang iyong buhay hanggang sa tuloy-tuloy kang yumaman.
Huling payo at paalala:
Jenny ayon sa iyong kapalaran ang pinakamabuti mong magagawa sa ngayon ay ituloy mo lang ang komunikasyon ninyo ng boyfriend mong taga-Canada, dahil sa malapit na hinaharap mga two years from now, sa taong 2017 babalik na siya sa ating bansa, upang mamanhikan, upang pakasalan ka at pagkatapos ay isasama ka na niya sa Canada, kung saan, sa nasabing bansa, sa nabanggit ng panahon sa edad mong 25 pataas, doon na kayo bubuo ng isang maunlad, maligaya at pang habang buhay ng pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending