Traydor na kaibigan ni Daniel ‘kampon ng kadiliman’ | Bandera

Traydor na kaibigan ni Daniel ‘kampon ng kadiliman’

Cristy Fermin |September 24,2014
facebook
share this

Traydor na kaibigan ni Daniel ‘kampon ng kadiliman’

Cristy Fermin - September 24, 2014 - 03:00 AM

kathryn bernardo

Ngayon sigurong ipinahamak na naman si Daniel Padilla ng isang itinuturing niyang kaibigan ay magkakaroon na siya ng leksiyon. Sabi nga ni Karla Estrada, ang nag-upload daw sa social media ng isang ordinaryong kuwentuhan lang ng magkakaibigan ay “kampon ng kadiliman.”

Isang audio scandal ang kinasangkutan ng pinakasikat na heartthrob, kilalang-kilala ng kanyang mga tagasuporta ang boses ni Daniel, ang dahilan kung bakit nagalit sa kanya ang mga tagahanga nila ni Kathryn Bernardo.

Isang simpleng kuwentuhan lang ‘yun ng magkakaibigan, kasama siyempre sa kanilang pinag-usapan ang kilig ng mga lalaki sa kababaihan, ‘yun ang piniling ilabas ng kaibigan ni DJ sa social media.

Nakalulungkot lang na inakala ni Daniel na kaibigan niya ang taong ‘yun, inasikaso pa niya at itinuturing nang kapamilya, pero nagawa pa siyang traydurin nito.

Tama ang payo ni Karla na kailangan na niyang mag-ingat ngayon sa pakikisama sa mga taong lumalapit sa kanya, may mga tao kasing nagpapanggap na kaibigan, pero naghahanap lang pala ng butas para siya ay siraan.

Nakalulungkot ang ganu’n, tiwalang-tiwala ka sa tao sa pag-aakalang kaibigan mo ito, pero ang totoo pala ay hindi naman at ang taong ‘yun pa ang maglalaglag sa iyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending