Love scene nina Paulo at Bea tinutukan ng buong mundo | Bandera

Love scene nina Paulo at Bea tinutukan ng buong mundo

Ervin Santiago |September 24,2014
facebook
share this

Love scene nina Paulo at Bea tinutukan ng buong mundo

Ervin Santiago - September 24, 2014 - 03:00 AM

bea alonzo
MAINIT na pinag-usapan at sinubaybayan ng primetime viewers ang pinakaabangang love scene ng mga karakter nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa “most tempting episode” ng top-rating drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon na umere noong Biyernes.

Ayon sa  Kantar Media, humataw ang serye nina Bea at Paulo ng national TV rating na 16.6%, kumpara sa nakuha ng pagtatapos ng katapat nitong programa sa GMA.

Bukod sa national TV ratings, humataw rin ang serye  sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan naging nationwide trending topic ang official hashtag na #SBPAKAlab at worldwide trending topic naman si Paulo dahil sa buhos ng tweets kaugnay ng kontrobersyal na episode.

Tiyak na mas kapananabikan ng viewers ang mga mas umiinit na eksena ng serye ngayong unti-unti nang nalalantad sa lahat na si Rose (Bea) ay nagpapanggap lamang bilang ang yumaong abogadong si Emmanuelle.

Handa na bang harapin ni Rose ang kanyang pamilya at ang mga taong sumira sa buhay niya? Samantala, ngayong Sabado (Sept. 27), lilipad ang SBPAK  stars na sina Paulo at Maricar Reyes para sa espesyal na Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional para sa Peñafrancia Festival sa Bicol.

Ito ay gaganapin sa SM City Naga parking lot, sa ganap na alas kwatro nang hapon. Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment at sa direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan, napapanood ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa ABS-CBN Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending