Bago sumapit ang Pasko magkaka-BF na (2) | Bandera

Bago sumapit ang Pasko magkaka-BF na (2)

Joseph Greenfield |September 24,2014
facebook
share this

Bago sumapit ang Pasko magkaka-BF na (2)

Joseph Greenfield - September 24, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Angienette ng  Poblacion, Supiden, La Union
Dear Sir Greenfield,
1.      Naisipan ko pong sumangguni sa inyo upang itanong ang tungkol sa aking love life. Sa darating pong October 16 ay 28 na po ako pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Bakit po kaya ganoon at ni minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend samantalang ang ibang mga friends ko nakakaapat na boyfriend na at ang iba ko pang friends ay may kanya-kanya nang pamilya?
2.      Nais ko pong malaman ay kung kailan ako magkaroon ng boyfriend at kung kailan ako makapag-aasawa?
Umaasa,
Angienette ng La Union
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra  (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius ang iyong magiging boyfriend bago sumapit ang Pasko. Ang lalaki ring ito ang sa bandang huli ay iyong mapapangasawa.
Numerology:
Ang birth date mong 16 ay nagsasabing ang lalaking magiging boyfriend at asawa mo ay isinilang sa petsang 10, 17 o kaya’y 20. Sa piling ng lalaking nabanggit ay habambuhay kang uunlad at magiging maligaya.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na bilugan at medyo chubby o mataba ang nagsasabing ang magiging boyfriend mo ay isang lalaking bilugan din ang pangangatawan at medyo mataba. Tulad mo rin siya, maaaring nakatapos ng pag-aaral at isang propesyunal.
Luscher Color Test:
Upang lalo kang lapitan ng suwerte, lagi kang magsuot ng kulay na berde, asul at pula. Sa nasabing kulay, hindi lang boyfriend ang maakit mo, kundi pati ang magandang kapalaran sa pang-materyal na mga bagay.
Huling payo at paalala:
Angienette, ayon sa iyong kapalaran, huwag kang mainip dahil sa taon ding ito at sa edad mong 28 pataas ay magkaka-boyfriend ka na. At sa susunod na taon o bago ka sumapit ng edad na 30—sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo—tuluyan ka na ring makapag-aasawa at makakabuo ng isang maligaya at pang habambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending