Horoscope, September 24, 2014 | Bandera

Horoscope, September 24, 2014

Madam Sophia |September 24,2014
facebook
share this

Horoscope, September 24, 2014

Madam Sophia - September 24, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa pag-ibig, hindi ang puso ng ibang tao ang sa iyo ay magpapaligaya kundi ang sarili mo. Sa pinansyal, kahit na anong negosyo, lalo na’t medyo chubby ka, tiyak ang pagyaman. Simulan mo na ngayong magnegosyo! Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jina-Anam-Babalam.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Kung hindi na magiging isip-bata, mas mabilis na uunlad ang kabuhayan at sa pag-ibig kung magiging matured na ang iyong personalidad, wala nang kabiguan pang malalasap. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om Arhate-Om-Padme.” Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—   “Ganda” ang susi ng tagumpay. Anuman ang iyong ginagawa, pagkakaperahan man o pakikipagrelasyon, pilitin mong pagandahin. Kapag nagawa mo ‘yan, maraming pagpapala at magagandang kapalaran ang kusang darating. Mapalad ang 5, 18, 23, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bodha-Dhipana-Om.” Beige at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) —  Iwasang maadik sa sugal, wala kang mapapala diyan. Sa halip na itapon ang salapi sa walang kapararakang mga bagay, pagiging makunat at kuripot ang sikreto ng pagyaman. Sa pag-ibig, wag mo namang pagkuriputan ang iyong minamahal upang hindi siya magtampo. Mapalad ang 5, 8, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om” Lilac at blue  ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Simple lang ang sikreto ng tagumpay. Sa pag-ibig at pinansyal, laging maging praktikal upang mas mabilis kang yumaman at lumigaya. Itapon na sa basurahan ang ugaling maramdamin at emosyonal. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Kahit lonely sa pag-ibig, hindi mo ba napapansin na mas mapalad ka sa iba? Wag malungkot dahil kapag malungkot ang Leo ay lalo lang siyang mamalasin. Sa pag-ibig at pinansyal, maging masaya ka lang, kusa kang susuwertehin. Mapalad ang 7, 23, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Raga-Kastha-Om.” Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Bilis ang susi ng tagumpay. Anuman ang ginagawa, panliligaw man o pagpapa-charming, at kahit na may kaugnayan sa salapi, bilisan mo lang at makikita mo, parang magic, kusang mapapasayo ang lahat ng naisin mo. Mapalad ang 5, 9, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Om.” Green at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Wag kang inggitera. Sa halip, ituloy mo lang ang mga pagsisikap at sa bawat araw na lumilipas anuman ang ipagkaloob sa iyo ng tadhana, matuto kang makuntento. Tandaang “contentment” ang sikreto ng masayang buhay. Mapalad ang 6, 13, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dosya-Om.” Lilac at  maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Mahusay na pakikitungo sa kapwa ang kailangan. Sa pag-ibig, gamitin ang husay sa pambobola. Sa pananalapi, kailangang marunong kang mang-uto. Kapag nagawa mo iyan, kusa kang aasenso at liligaya. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Gray at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi dapat mainip sa pagdating ng magandang kapalaran. Ang mahalaga ay patuloy kang naghihintay. Pagpasok ng buwan ng Oktubre, kusa nang aayon sa iyo ang tadhana. Mga oportunidad ng pagkakaperhan ang darating at sa pag-ibig muli kang kikiligin sa sobrang liligaya. Mapalad ang 3, 9, 19, 35, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Pad-Me-Om.” Purple at gold ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Bawal magalit! Sa mahinahong pakikipag-usap ay mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, kung hindi mo aawayin ang kasuyo ay lalong iinit at sasarap ang relasyon. Mapalad ang 1, 8, 17, 27, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasan ang mga taong sira ang pamilya upang hindi ka mahawa sa kanila. Sa mga taong may mabuti at matitinong pamumuhay ka makibarkada at makipagkuwentuhan upang mapunta sa iyo ang suwerte nila. Mapalad ang 4, 10, 22, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Wag kang puro dada. Simulan na ang negosyong may kaugnayan sa bilog na mga bagay tulad ng prutas, pagkain at dekorasyong pamasko upang sa Holiday Season na ito ay tuloy-tuloy ka nang umasenso. Mapalad ang 7, 8, 27, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Dosya-Om.” Gold at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending