Bago sumapit ang Pasko magkaka-BF na | Bandera

Bago sumapit ang Pasko magkaka-BF na

Joseph Greenfield |September 23,2014
facebook
share this

Bago sumapit ang Pasko magkaka-BF na

Joseph Greenfield - September 23, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay  Angienette ng  Poblacion,
Supiden, La Union
Dear Sir Greenfield,
Naisipan ko pong sumangguni sa inyo upang itanong ang tungkol sa aking love life, sa darating po kasing October 16, ay magtu-28 na po ako pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Bakit po kaya ganun ni minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend samantalang iyong ibang mga friends ko nakaka-apat na boyfriend na at iyong iba ko pong friends ay may kanya-kanya nang pamilya.  Kaya nais ko pong malaman ay kung kailan ako magkaroon ng boyfriend at kung kailan ako makapag-aasawa?
Umaasa,
Angienette ng La Union
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin ang kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Illustration 1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na sa malapit na hinaharap, maaaring sa taon ding ito ng 2014, sa edad mong 28 pataas, bigla ang magaganap – magkaka-boyfriend ka na.
Cartomancy:

illus 0923
Queen of Hearts, King of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2014, sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre, isang lalaking mas may edad sa iyo ang darating, liligawan ka nya hanggang sa agad mo siyang sagutin, kung saan, ang lalaki na ring ito na may initial na H.A. ang iyong mapapangasawa at makakasama habang buhay sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending