HOROSCOPE, SEPTEMBER 23, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, SEPTEMBER 23, 2014

Madam Sophia |September 23,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, SEPTEMBER 23, 2014

Madam Sophia - September 23, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Bihira lang sa mga taong isiilang sa petsang 23 ang hindi yumayaman. Ibig sabihin, sadyang napakalaki ng tsansa mo na yumaman, sa dalawang paraan lang: Una mag-abroad ka ng mag-abroad at pangalawa, magengsoyo ka. Kapag nagawa mo yan sa edad mong 50 pataas, mayamang-mayaman ka na. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna!” Silver at pink ang buenas. 
Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi dapat tumunganga! Kung hindi palalaguin ang iyong salapi paano ka yayaman? Sa pag-ibig, kung magsasawalang kibo ka na lang, paano ka makaka-score sa minamahal. Ngayon na ang tamang sandali upang kumilos!  Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never.” Purple at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa paskong darating magluto ng mga pagkaing pampasko, ang nasabing kalakal ang magpapayaman sayo. Sa pag-ibig, bago dalhin sa market ang nilutong bibingka, ipatikim muna sa kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 30, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Namo-Tetra-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Panahon na upang isakatuparan ang mga binabalak. Upang yumaman, wag kasing isip ng isip at puro pangarap lang – aksyon ang kailangan. Sa pag-ibig yayain na agad ang kasuyo sa isang pribadong lugar. Mapalad ang 5, 7, 14, 22,  34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vedanta-Om.” Beige at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Huwag panghihinaan ng loob! Upang magkapera ng malaking halaga, sugod lang ng sugod ang dapat. Sa pag-ibig, wag matakot sa kasuyo, imbis na ikaw ang sumunod, siya ang pasunurin mo sa iyong kagustuhan. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om.” Gray at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Upang mapasunod sa iyong kagustuhan ang iyong kausap, tumayo ng tuwid habang tinititigan  ang pagitan ng kanyang dalawang mata. Ibulong sa iyong sarili: “Mapapasunod kita!” Kapag nagawa mo yan, mas madali kang magtatagumpay sa negosyo at pag-ibig. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Mayabeja-Kubera-Om.” Orange at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Upang hindi ka mautangan, kahit kumita ng malaking halaga, iskireto mo lang. Sa pag-ibig, maraming nagnanasa sayong kagandahan, ngunit may isang naka-white, na magbibigay sayo ng kakaibang ligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 31, 41, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Bukod sa blue ang silver ay buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Panahon ngayon ng Libra, kaya lalong pang gaganda ang iyong kapalaran. Ang mahalaga magsuot lagi ng kulay na pula, upang lalo pang uminit ang romansa at dumating ang mas marami pang pera. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Bukod sa red ang pink ay buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Upang hindi mahirapang magdesisyon, laging pairalin ang praktikalidad. Sa pag-ibig itigil na ang pagiging sobrang emosyonal. Sa pinansyal, hanggat palagi kang nagiging praktikal lalo kang yayaman. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” White at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag umasa sa ibang tao! Panahon na upang magiisip ng sariling pagkakakitaan. Sa pag-ibig iwasang magpauto sa isang kulot ang buhok at maitim ang kulay ng balat. Mapalad ang 6, 17, 26, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dheemari-Om.” Green at peach ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag daanin sa init ng ulo ang anomang problema! Sa pinansyal, panatiliin ang pagiging mahinahon para dumami ang pera. Sa pag-ibig kung aawayin ang kasuyo baka “ma-outside de-kulambo” ka na naman. Mapalad ang 3, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Red at purple ang buenas.
 Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag samantalahin ang kabaitan ng iba! Kung paanong niloloko mo ang iyong kapwa, sa bandang huli ikaw naman ang lolokohin ng tadhana. Sa pag-ibig, maging tapat sa kasuyong uto-uto. Mapalad ang 8, 19, 28, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Gray at olive green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—“Makakaraos din!” – yan ang mahiwagang formula. Sa sandaling lagi mo yang binaggit, kusang makakaraos sa anomang problema. Sa pag-ibig, sa sandal namang “nakaraos” lalo pang iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Red at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending