Kim nagpasilip ng boobs, Daniel-Kathryn nagyakap nang mahigpit | Bandera

Kim nagpasilip ng boobs, Daniel-Kathryn nagyakap nang mahigpit

Ervin Santiago |September 22,2014
facebook
share this

Kim nagpasilip ng boobs, Daniel-Kathryn nagyakap nang mahigpit

Ervin Santiago - September 22, 2014 - 03:00 AM

kim chiu
Wholesome naman ang peg ng Teen King & Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa nasabing fashion show. Ang sexy ni Kath nang gabing ‘yun sa napakaelegante niyang dark green dress habang napakaguwapo at umaapaw naman ang sex appeal ni DJ.

Tilian ang mga fans nang magyakap ang dalawa sa stage. Pero disappointed naman ang ilan, bakit daw balot na balot ang dalawa nang rumampa, ni hindi man lang daw nagpakita ng kaunting skin ang magdyowa.

Pagtatanggol naman ng KathNiel fans, hindi na raw kailangan ng dalawa ang magpaseksi dahil baka makasira pa ito sa wholesome image nila.

Anyway, marami naman ang nakapansin na bantay-sarado ni Daniel si Kathryn that night, halos hindi mapaghiwalay ang dalawa at palaging magka-holding hands.

Bukod kina Daniel at Kathryn, ang iba pang Kapamilya stars na rumampa sa The Naked Truth ay sina Kim Chiu na talaga namang naging daring din sa kanyang solo spot kung saan naka-white bra lang ito at hapit na hapit na white jeans at Coco Martin na tinalikuran nang tuluyan ang paghuhubad dahil naka-jacket pa itong rumampa, as in super wholesome talaga.

Nandu’n din sina Enchong Dee, Julia Montes, Ellen Adarna, Shaina Magdayao, Jessy Mendiola at marami pang iba.
Sa mga Kapuso stars naman, lumaban din sa paseksihan sina Rocco Nacino, Enzo Pineda, Martin del Rosario, Carla Abellana, Solenn Heussaff, Isabelle Daza, Lovi  Poe at ang finale ng show na si Marian Rivera.

Kitang-kita naman sa magdyowang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na maligaya sila sa kandungan ng isa’t isa. Sabay na umapir sa stage ng Bench ang dalawa at naghalikan pa bago umexit.

Topless si Richard kaya kitang-kita ang ganda ng katawan nito ngayon. Halatang kinarir ng aktor ang pagpapapayat para sa nasabing fashion show.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending