Anak ni Derek tinuruang wasakin ang sariling ama | Bandera

Anak ni Derek tinuruang wasakin ang sariling ama

Cristy Fermin |September 22,2014
facebook
share this

Anak ni Derek tinuruang wasakin ang sariling ama

Cristy Fermin - September 22, 2014 - 03:00 AM

mary christine jolly
Sa salpukan sa piskalya na nagaganap ngayon sa pagitan nina Derek Ramsay at Mary Christine Jolly ay ang kanilang anak na si Austin ang unang-unang nagiging biktima.

Bukod sa anak na nila ang nakapagitna na tinatamaan ng pagpapalitan nila ng putok, ang bata pa rin ang gamit na gamit sa sitwasyon, sa pag-asa ng babae na makuha ang simpatya ng publiko.

May dalawang pahinang sulat ang bata para sa hunk actor, punumpuno ‘yun ng galit, sa bandang dulo ng sulat ay gusto pa ngang makulong ni Austin ang kanyang ama.

Pero kung titilad-tilarin natin ang sulat ng bata ay hindi maitatatwa na ang nilalaman nu’n ay hindi produkto ng kanyang bata pang isip.

Paano ‘yun mabubuo ng isang batang tulad ni Austin na umaaming hindi nga ito dinadalaw man lang at sinusustentuhan ng kanyang ama?

Ano naman ang kamuwangan ni Austin sa tatlong babaeng naugnay kay Derek, samantalang wala nga itong alam tungkol sa kanyang tatay, hindi ba naman napakadaling isipin na ang nilalaman ng kanyang sulat ay itinuro lang sa kanya para sulatin?

May mga butas ang pagkakabuo ng sulat, ginawa pang walang respeto ang bata dahil Derek lang ang tawag nito sa kanyang ama, hindi magandang ehemplo sa mga batang tulad ni Austin ang pinalutang nitong ugali ng kung sinumang nagturo sa kanya kung paano balangkasin ang sulat para kay Derek Ramsay.

Napaka-inconsistent. Hindi raw nito kilala ang kanyang tatay dahil sa ginawang pagpapabaya sa kanya, pero ang dami-dami nitong nasabing detalye ng pamimintas kay Derek habang inaangat naman sa tore ang imahe ng kanyang ina, walang consistency ang sulat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending