Siguradong Makapag-aabroad (2) | Bandera

Siguradong Makapag-aabroad (2)

Joseph Greenfield |September 22,2014
facebook
share this

Siguradong Makapag-aabroad (2)

Joseph Greenfield - September 22, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Rolan  ng Luyuan, Pasonanca, Zamboanga City
Problema:
1.      Kamakailan lang po ay tinawagan na ako ng agency na inaaplayan ko patungong abroad at hinihingan na po nila ako ng pang-processing fee at iba pang gastusin para sa pag-aayos ng iba pang mga papeles. Maliit na halaga lang naman po ang hinihingi nila, ang poblema wala naman akong ganoong kalaking pera sa kasalukuyan. Ang nais ko sanang itanong sa inyo ay kung sakali kayang mangutang ako tiyak kayang makakaalis ako upag sa ganon ay hindi naman ako mabaon sa utang kung sakaling mapurnada ang aking pag-aabroad.
2.      May Travel Line po ba talaga sa aking palad at may pag-asa kayang magkaroon ako ng isang masagana at maunlad na karanasan sa ibang bansa? At kung sakaling maibigay ko na ang perang hinihingi nila, sa taong kayang ito ng 2014 ay makakalis na din kaya ako?
Umaasa,
Rolan ng  Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
 Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsabing sa pamamagitan ng suwerte at sa tulong ng isang babae na kamag-anak nyon rin, hindi kana kailangang mangutang dahil ang nasabing nilalang na may zodiac sign na Virgo ang siyang tutulong sa aspetong pang-financial upang agad kang makapag-abroad.
Numerology:
Ang birth date mong 20 ay nagsasabing sa abroad ka aasenso at uunlad sa tulong naman ng isang babaing nakasalamin, medyo kulot ang buhok at may birth date na 1, 10, o kaya’y 19.
Lucher Color Test:
At upang magpatuloy ang suwerte at lalo pang gumanda ang kapalaran mo sa abroad, ugaliin mong magsuot ng kulay na pula at berde. Sa nasabing kulay, tiyak ang magaganap, mas madali kang aasenso at uunlad.
Graphology:
Dahil kapansin-pansin ang mala-alon na hugis sa unahan at gitnang bahagi ng iyong lagda, ito ay patunay lamang na sa kasalukuyan nasasagap na ng “unconscious self”  mo ang napipintong pangingibang bansa, na tulad ng nasabi na, ang pag-aabroad na ito ay magiging produktibo at mabunga.
Huling payo at paalala:
Rolan, ang dapat mong gawin sa ngayon ay, wag kang panghinaan ng loob, dahil anoman ang gawin mo sa kasalukuyan, noon pa itinakda ng tadhana na ikaw ay makapag-abroad at ang pag-aabroad na ito ay sa kasalukuyang panahon na nga magaganap sa taong ding ito ng 2014 sa  buwan ng Nobiyembre hanggang Disyembre, sa edad mong 25 pataas,  umasa ka, walang duda, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending