Jake naglambitin sa underwear show, halos hubo't hubad nang rumampa | Bandera

Jake naglambitin sa underwear show, halos hubo’t hubad nang rumampa

Ervin Santiago |September 22,2014
facebook
share this

Jake naglambitin sa underwear show, halos hubo’t hubad nang rumampa

Ervin Santiago - September 22, 2014 - 03:00 AM

jake cuenca

TULAD ng kanyang pangako, talagang nang-agaw ng eksena si Jake Cuenca sa ginanap na The Naked Truth underwear and denim fashion show ng Bench na ginanao aa MOA Arena noong Sabado ng gabi.

Imagine, halos hubo’t hubad nang rumampa at naglambitin ang Kapamilya hunk actor! Natulala at naghiyawan ang mga tao nang magsimula nang mag-show si Jake suot ang isang underwear kung saan kitang-kita ang kanyang puwet at halos bumulaga naman ang  kanyang “notes”.

Tinalbugan ni Jake ang lahat ng male actor at models that night – sabi nga ng ilang nakapanood, walang binatbat ang mga acrobatics ng mga macho dancers kay Jake! Ha-hahaha!

Kaya siguradong maraming naglaway na beki at matrona nang makita nila ang aktor at ang ipinagmamalaki nitong kargada!
Isa pang pinalakpakan at nang-agaw ng atensiyon ng audience at ang pagsasama on stage nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez – na ayon sa mga nasa venue ay parehong “gifted” dahil talaga namang bukol kung bukol ang labanan.

Hiyawan din ang mga tao nang maglapit na ang kanilang katawan na parang handang-handa nang magchurvahan sa stage. In fairness, first time ginawa ni Dennis ang rumampa nang naka-briefs lang kaya naman tuwang-tuwa ang kanyang mga naglalaway na mga fans.

Nu’ng huli naman naming makausap si Tom sa taping ng bago niyang game show sa GMA 7, ang Don’t Lose The Money, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya dahil first time rin niyang rarampa nang naka-underwear lang.

Pero siniguro niya na paliligayahin niya ang kanyang fans sa gabing ‘yun – na tinupad naman niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending