Bagyong Mario di napigilan ang concert nina Michael sa Bacolod | Bandera

Bagyong Mario di napigilan ang concert nina Michael sa Bacolod

Jobert Sucaldito |September 22,2014
facebook
share this

Bagyong Mario di napigilan ang concert nina Michael sa Bacolod

Jobert Sucaldito - September 22, 2014 - 03:00 AM

michael pangilinan

KAHAPON nang umaga kami dumating from our two-day charity guesting sa Saltimboca Hall, Bacolod City. Charity Diva Token Lizares broke the house down sa dalawang araw na special concerts nito for two beneficiaries – Bantay Bata-Bacolod and the Franciscan Sisters of St. Anthony ng Pentevedra, Negros Occidental.

Hanep ang husay ni Palangga Token in both shows – she made sure she had different repertoire in each performance kaya kahit same sets ang guests niya ay parang magkaibang concert ang natunghayan ng audience.

“May kakaibang stance kasi si Ms. Token, akala ko hindi siya ganoon kagaling kumanta. Iba pala ang level niya pag nasa stage na. Her sense of humor is unique – mahusay pala siyang magbato ng linya,” ani kaibigang Bobby benedicto who watched both shows.

Seasoned performer naman kasi si Ms. Token – her training while she was still with Hyatt’s Calesa Bar many years ago must have really honed her singing prowess. Plus the fact that she has done so many performances here and abroad for years.

“Hindi ko naman kakayaning mapuno ang venue natin kung ako na lang palagi. Ha-hahaha! Siyempre, magsasawa naman ang mga kasimanwa (kababayan) natin.

Seriously, grabe ang tulong nina Michael Pangilinan, Prima Diva Billy at ang comic tandem nina AJ Tamiza and Le Chazz para makalikom kami ng funds para sa mga less-privileged children sa Bacolod at pampatayo ng multi-purpose hall ng mga Franciscan Sisters sa Pontevedra,Negros Occidental.

I felt so blessed na merong mga artists tulad nila na handang tumulong sa mga kapuspalad,” Ms. Token humbly told us.
Ang totoo po niyan, muntik na kaming hindi makarating sa first show namin last Friday, dahil sa bagyong Mario. 6:35 a.m. ang flight namin via Cebu Pacific that day kaya 4:30 ay nasa airport na kami waiting for our flight.

Dala ng makapal na ulap at malakas na ulan, hindi makapag-land ang eroplanong sasakyan namin kaya wait-to-death kami sa mga announcements kung tuloy ba ang biyahe namin or cancelled.

Napakarami kasing flights ang na-cancel that day kaya we really feared na baka hindi kami makaalis. Pero sa awa ng Diyos ay natuloy kami at 4:30 p.m., 12 hours kaming stranded sa airport pero hindi namin inalintana.

Tiniis namin ang discomfort – wala pa naman kaming tulog dahil galing kami sa kaniya-kaniyang work the night before.
Pagdating na pagdating namin sa Bacolod City, diretso kami agad sa Chalet Hotel sa L’Fisher para mag-wash up.

Hindi na nakuhang magpahinga ng artists dahil 7 p.m. ang start ng show. We just prayed na sana’y hindi magkalat ang mga performers (Michael, Prima Diva Billy, AJ and Le Chazz) dahil wala nga silang pahinga.

Paidlip-idlip lang sila sa airport while waiting for our flight and nothing more. Pero thank God – naitawid nila ang show with flying colors. They were in the best elements sa two-day performances na iyon.

“Grabe ang pagsikat ni Michael Pangilinan ngayon, ‘no? Kahit mga lalaki ay nakikikanta ng Himig Handog song niyang ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’. Grabe ang lakas ng song na iyan – number one na iyan sa Bacolod ngayon amongst all the entries,” anang isang taga-ABS-CBN Bacolod.

Totoo ka – kahit saan kami magpunta, left and right ang nagpapalitrato kay Michael. Lalo pang gumanda ang boses ng anak natin. Kahit mga madre ay giliw na giliw sa kaniya.

Hindi rin patatalo ang ate niya – si Prima Diva Billy. Kesehodang may mga nodules siya sa lalamunan – oh my gosh! Minamani talaga niya ang mga matataas na nota ng songs.

Nakakaloka ang performances niya for two nights – nakakapanindig-balahibo. AJ Tamiza and Le Chazz are incomparable sa kanilang comedy skit. Sila ang pinakamasarap na sahog sa mga concerts – they are the best breakers ng isang show.

Galing kasi ng act nila – hindi mo pagsasawaan. Panalong-panalo sila sa bawat bato ng jokes – walang tapon. Kaya the two-night events na iyon with Ms. Token Lizares were truly amazing.

“Dahil siguro ginabayan talaga kami ni Lord. Kasi nga, merong pinaglalaanan ang kikitain ng dalawang gabing shows na iyon. Thank God – matutuloy na ang pagpapatayo ng isang multi-purpose hall ng Franciscan Sisters natin, kasi nga, butas-butas ang very rusty na ang luma nilang multi-purpose hall.

“Nababasa ang mga bata pag kumakain sila roon. Same thing with the first night show natin – yung para sa Bantay Bata-Bacolod. Marami na silang mapapakaing mga kabataan at mapapagamot na sick children,” tuwang-tuwang sabi ni Ms. Token.

“Sana ‘Nay, kahit once a month ay meron tayong ganito. Sarap kasi ng feeling na nakakatulong tayo sa ibang tao lalo na yung mga orphans. Sobra-sobra naman kasi tayong blessed compared to them kaya dapat lang na tulungan natin sila,” lambing ni Michael Pangilinan sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yes, anak – tutulong at tutulong tayo palagi sa mga ganitong shows. And I must say to one and all that so proud ako to have a baby in Michael Pangilinan na sbrang laki ng puso.

Same feelings din kina Prima Diva Billy, AJ and Le Chazz – and who else? Sino pa kungdi ang super-matulunging si Ms. Token Lizares – ang Charity Diva ng music industry. Thanks so much! Mwah!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending