Daniel tinraydor na naman ng kaibigan; Karla Estrada nagbanta | Bandera

Daniel tinraydor na naman ng kaibigan; Karla Estrada nagbanta

Reggee Bonoan |September 22,2014
facebook
share this

Daniel tinraydor na naman ng kaibigan; Karla Estrada nagbanta

Reggee Bonoan - September 22, 2014 - 03:00 AM

daniel padilla

KALIWA’T kanan ang nababasa naming negatibo tungkol kay Daniel Padilla at balitang may gap daw sila ngayon ni Kathryn Bernardo dahil na-post sa social media na may ibang babaeng gusto ang batang aktor kaya pati loyal supporters nila ay apektado.

Tinext namin ang mama Karla Estrada ni Daniel para alamin ang tungkol dito dahil nga nangyari ito sa bahay nila, “Hi ate Reggs, oo nga, eh kaya sobrang nag-alala ako talaga for DJ kasi nga dito sa bahay namin nangyari.

“Waka kasi ako that time, itong si DJ nag-imbita ng mga kaibigan niya. Ganito usually ang ginagawa ni DJ kapag may libreng oras nagpapapunta ng mga kaibigan niya para dito na lang sila gumimik.

“Yung bakanteng lote namin sa katabing bahay, ginawang basketball court at bilyaran. E, usapang mga lalaki kuwentuhan tungkol sa mga babae, hayun, isa sa inimbitang akala kaibigan ay ini-record ‘yung usapan nila at saka ipinost sa social media.

“Kaya nga pinagsabihan ko si DJ na hindi lahat ay kailangan mong pagkatiwalaan.  Dapat mag-iingat ka sa mga pinapupunta mo sa bahay natin kasi bahay mo ito, e, paano kung may gawin sa mga kapatid mo, puro babae pa naman.

“Isipin mo ate Reggs, nasa bahay na nga lang si DJ, nagagawan pa ng isyu, e, di how much more kung lumabas ‘yan, lahat gagawin para sirain siya,” mahabang paliwanag ng nanay ng aktor.

Sino ba ang babaeng tinutukoy daw ni DJ na nai-record? “Wala naman particular na binanggit, kasi nga usapang lalaki, biruan, mga ganu’n. Maraming crush si DJ, siyempre bata pa, pero kita mo naman, sa iisang babae lang siya talaga nakatutok.

“Porke’t Padilla kasi, akala ng lahat, babaero, hindi naman dahil simula naman ng nag-showbiz ang anak ko, si Kathryn lang naman ang tinututukan niya.

Di ba pag-usapang lalaki, ang pagkukuwentuhan mga babae, e, mas lalo akong mag-aalala kung lalaki rin ang pinag-uusapan nila, e, iba na ‘yun.

“Mas malala pa nga tayong mga babae, kasi sobra ang usapan natin tungkol sa mga lalaki. Kung mapapakinggan mo ang usapan nila, nakakatawa, mga bata pa talaga at alam mong hindi seryoso.

“Yung kaibigan na nag-record ay kasama na ni DJ noong nasa condo pa kami sa Mandaluyong, e, since nakakasama, akala kaibigan niya. So, hayun sa sariling bahay namin siya tinraydor.

Sabi ko nga, sinadya ‘yun para sirain ka (Daniel).  Sabi ko nga, sino ba namang matinong tao ang makaka-isip ng ganu’n, kundi ang may criminal mind.

“Kaya bilin ko talaga sa anak ko, mag-ingat siya sa mga kaibigang pinagkakatiwalaan lalo’t pinapapasok niya sa bahay namin,” kuwento pa ni Karla sa kabilang linya.

As of now ay wala raw isyu o gap sina DJ at Kath dahil naipaliwanag na mabuti ng batang aktor ang nangyari at natatakot nga raw ang batang aktres dahil posible palang mangyari iyon sa mga nakapaligid sa kanila.

“Hindi naman nagalit o naapektuhan si Kathryn kasi alam niyang walang isyung dapat pag-usapan. Malawak naman ang pang-unawa niya,” pahayag pa ng nanay ni Daniel.

Hindi raw nag-alala ang ABS-CBN management tungkol sa isyung ito kay Daniel, mas nag-aalala raw sila sa supporters ng dalawa na talagang galit na galit sa nangyari.

Speaking of Daniel Padilla, may nagtanong sa amin ng,  “Bumaba ba ang ratings ng Be Careful With My Heart? Bakit biglang isinama sina Daniel at Kathryn?”

Hindi namin kayang sagutin ito dahil unang-una ay wala kaming alam sa nangyayari sa serye nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria dahil hindi namin ito napapanood.

Nagtanong kami sa taga-ABS-CBN kung bumaba nga ba ang ratings ng serye, “Halos lahat po ng shows bumaba, pero hindi naman naungusan ng mga katapat na programa.

“Kailangan po kasi lahat ng characters sa BCWMH dapat may highlight, so ngayon si Manang Fe (Gloria Sevilla) naman kung ano ang nangyari sa buhay pag-ibig niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sina DJ at Kath po ang naisip naming gumanap noong kabataan pa ni Manang Fe at ng boyfriend niyang pinakamamahal,” paliwanag sa amin.

Hayan, nasagot na ba ang mga tanong sa supporters ng Be Careful With My Heart?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending