Hubad na katawan ni Paulo Avelino nag-trending worldwide | Bandera

Hubad na katawan ni Paulo Avelino nag-trending worldwide

Ervin Santiago |September 21,2014
facebook
share this

Hubad na katawan ni Paulo Avelino nag-trending worldwide

Ervin Santiago - September 21, 2014 - 03:00 AM

paulo
Nag-trending worlwide ang Kapamilya hunk actor na si Paulo Avelino sa social networking site na Twitter noong Biyernes ng gabi. Ito ay dahil kontrobersiyal na love scene nila ni Bea Alonzo sa Primetime Bida series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Talagang inabangan at titnutukan ng viewers ang maiinit na tagpo sa nasabing programa kaya naman naging worldwide trending topic sa Twitter ang pangalan ni Paulo.

Sa nasabing episode noong Friday night, tinanong na ni Emmanuelle (Bea) si Patrick (Paulo) kung mahal pa nito ang kanyang dating asawang si Rose (ginagampanan din ni Bea).

Nagpapanggap lang si Rose na siya si Emmanuelle (namatay sa pagsabog) para maghiganti kay Patrick at para malaman kung sino ang tunay na pumatay sa tatay niya.

Naging trending topic na rin kamakailan ang kissing scene nina Paulo at Bea sa nasabing serye kaya mas lalong nasabik ang mga manonood nang ipalabas na ang kanilang love scene.

At ilang sandali lang matapos ipakita ang nasabing eksena, ang official hashtag nitong “#SBPAKAlab” ay naging top trending local topics sa Twitter, pati na rin sa Facebook.

Pero ang pangalang “Paulo Avelino” talaga ang humataw sa social media at naging pangwalo sa listahan ng top worldwide topics nu’ng gabing ‘yun.

Ibig sabihin, talagang si Paulo na ang masasabing ultimate hunk leading man ng ABS-CBN dahil talagang inaabangan ng viewers, lalo na ng mga beki ang pahuhubad niya sa nasabing primetime series. Ano’ng sey mo diyan KC Concepcion?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending