Derek mawawasak ang career dahil sa Sex | Bandera

Derek mawawasak ang career dahil sa Sex

Ambet Nabus |September 21,2014
facebook
share this

Derek mawawasak ang career dahil sa Sex

Ambet Nabus - September 21, 2014 - 03:00 AM

cristine reyes
MATAPOS ngang magkaroon ng closed-door meeting ang estranged couple na sina papa Derek Ramsay at Mary Christine Jolly sa sala ni Fiscal Erwin Dimayacyac na Makati Prosecutor’s Office, mukhang maaayos na sa wakas ang kaso outside ng korte.

Last Wednesday nga sana nakatakdang i-file ni Mary ang kanyang reply-affidavit laban kay Papa Derek, pero nagkasundo ang dalawang panig na mag-usap muna, binigyan sila ng “7-day cooling-off period” para ayusin ang mga dapat na pagkasunduan.

Kasama na nga rito ang visitation rights sa kanilang anak, ang sustento at ang kanilang annulment. Although hindi nga na-i-file ng dating asawa ni Derek ang naturang affidavit, marami na ring media entities ang nabigyan ng kopya nito kaya’t may mga lumabas pa ring ilang detalye hinggil sa mga akusasyon ni Mary Chirstine kay Derek.

“Mabuti at naagapan nila dahil kung naging public document yun, wala talagang pupuntahan si Derek kundi ang kanyang tuluyang pagbagsak.

Very damaging ang mga pahayag ni Mary at kahit hindi man totoo ‘yun kung sakali, tiyak pa ring masisira si Derek,” ang pag-analisa ng ilang mga nakabasa sa nasabing affidavit.

Kahit nga kami ay hindi makapaniwala sa mga pasabog ng babae, lalo na ‘yung bahagi ng dokumento na may kinalaman sa sex.

“Pero mukhang kahit yung anak niya ay may kung anong kakaibang hinanakit at galit sa kanya,” ang tsika naman ng ilang katoto na nagpunta sa mediation hearing ng estranged coupple.

Nakakuha pa nga sila ng kopya ng ginawang pahayag ng 11-year old boy para sa amang aktor. Sinabi ng bagets na gusto niya raw makitang nakakulong ang kanyang tatay, “I wish he would go to jail so he would finally know what it feels like to be treated with no respect.

The truth will prevail not his lies.” Nakakaloka at tunay na nakakawindang, pero sadyang matinding-matindi nga yata ang mga problemang dapat munang harapin ng aktor bago ang kanyang sarili at ang kanyang career, dahil ultimo pala ang mga dati niyang nakarelasyong sina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban at Cristine Reyes, ay damay na rin sa isyu.

Gusto rin daw kasi silang isama sa demanda ni Mary bilang patunay daw na pinabayaan sila ni Derek. Balitang kilala rin sila ng anak ni Derek bilang mga “other woman” ng kanyang ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending