Cherry Pie Pichache na-shock sa brutal na pagpatay sa ina | Bandera

Cherry Pie Pichache na-shock sa brutal na pagpatay sa ina

Ervin Santiago |September 20,2014
facebook
share this

Cherry Pie Pichache na-shock sa brutal na pagpatay sa ina

Ervin Santiago - September 20, 2014 - 01:32 PM

cherry pie picache

NASA state of shock pa rin ang award-winning actress na si Cherry Pie Picache matapos matagpuang tadtad ng saksak ang kanyang ina sa loob ng bahay nito sa Quezon City.

Patay na nang makita nina Cherry Pie ang inang si Zenaida Sison, 75, matapos diumanong pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek sa mismong tahanan nito sa Sct. Dr. Lascano Street, Quezon City. Ayon sa report kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga operatiba ng Quezon City Police ang krimen. Sa paunang ulat, ang kaibigan ng aktres na si Peter Serrano, isang theater actor ang nagbigay sa media ng ilang impormasyon tungkol sa insidente. Kuwento nito, tinatawagan daw ni Cherry Pie ang ina kagabi pero hindi ito sumasagot, hanggang sa nagdesisyon na ang aktres na puntahan ang bahay nito. Pagdating sa lugar, inutusan agad ni Cherry Pie ang kanyang driver na akyatin ang gate para mabuksan ito. Nang makapasok na sa loob ng bahay, pinaakyat agad ng aktres ang driver sa second floor ng bahay at dito na nga natagpuan ang bangkay ng kanyang ina na tadtad ng saksak. Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Cherry Pie. Kasalukuyan pa ring nag-iimbestiga ang mga pulis habang isinasagawa naman ang autopsy sa bangkay ng biktima. Sa ulat naman ng Inquirer.Net, napag-alaman na nakipag-ugnayan na rin si Cherry Pie sa mga imbestigador para malaman kung may mga nawawalang gamit sa bahay si Mrs. Zenaida, upang maikonek kung pagnanakaw nga ang motibo ng pagpatay. Nabatid na mag-isa lang sa bahay ang ina ni Cherry Pie pero meron itong tatlong kasambahay at isang gardener. Posibleng imbitahan ang mga ito ng mga pulis para sa kaukulang imbestigasyon.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending