Daniel type dyowain si Jasmine, nilait pa raw si Sam Concepcion | Bandera

Daniel type dyowain si Jasmine, nilait pa raw si Sam Concepcion

Alex Brosas |September 20,2014
facebook
share this

Daniel type dyowain si Jasmine, nilait pa raw si Sam Concepcion

Alex Brosas - September 20, 2014 - 03:00 AM

daniel padilla
May kumakalat ngayong  audio/video tape allegedly ni Daniel Padilla habang kausap niya ang kanyang katropa. Hindi namin malaman kung nilalait niya ang isang actor na sinasabing si Sam Concepcion o kung nagpi-flirt siya sa kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis.

Aware about the video, nag-post ng quote si Daniel with this caption, “Marami man ang naninira saakin.. Wala sakin yun.. Dahil mas marami ang nag mamahal sakin.. Maraming salamat at mahal na mahal ko kayo.”

Sa paglabas ng video sa isang popular website ay kaagad na nag-comment ang mga tao, mostly bashing Daniel. “Obvious naman na si Daniel yan, ganyan na ganyan sya magsalita. Yong ibang fans denial pa.

At kamusta naman si Jasmine at parang ineentertain pa ata si Daniel or mali pagkakaintindi ko? Sa mga fans jan wag na kayo umasa na real ang loveteams (all loveteams) nyo.”

“Truth.. napaka kanto magsalita ni Daniel.. di talaga sya dapat gawing role model. jeje na ang pangit pa ng ugali. kaya sa mga fantard dyan, stop na sa kakadefend sa idol nyong pang iskuala lumpur ang asal.”

“Cge mga fantards magbulag bulagan at magbingi-bingihan kayo na hindi si daniel yan! Wag shunga ha gumising sa katotohanan.”

One guy defended Daniel and said, “Actually wala namang masama sa conversation nila hehehe normal naman sa mga magbabarkada yun at mga teenagers cla…. ganun din yung mga lalaki dba kahit nga may gf my pinag uusapan talagang ibang girls 🙂 … hindi namn big deal — loko lng yung nag upload hehehe pinlano talaga nila hehehe.”

Agree kami sa attitude ni Daniel towards these negative comments against him, huwag na niyang patulan para hindi na humaba pa ang isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending