Matteo takot na takot kay Mommy Divine kaya pinipigil ang panggigigil kay Sarah | Bandera

Matteo takot na takot kay Mommy Divine kaya pinipigil ang panggigigil kay Sarah

Jobert Sucaldito |September 20,2014
facebook
share this

Matteo takot na takot kay Mommy Divine kaya pinipigil ang panggigigil kay Sarah

Jobert Sucaldito - September 20, 2014 - 03:00 AM

sarah geronimo
NATATAWA ako sa mga comments ng netizens and personal friends natin dahil napapabalitang di raw makapag-public display of affection ang magsyotang sina Sarah Geromino at Matteo Guidicelli lately dahil palagi na naman daw nakabantay si Mommy Divine.

Kaya nagmukhang comedy ang mga eksena ng mag-lovers na ito dahil there were times in the near past na parang okay naman sila tuwing lumalabas.

May mga pictures silang magkaakbay, magkayakap at pa-tweetums pero ngayon daw ay mukhang bawal na naman. Kaya tuwing may lakad daw sila, basta in public, para lang silang magkaibigan sa kanilang mga kilos.

Or baka nag-iingat lang si Matteo na mapulaan ng mga magulang ni Sarah kaya hindi na siya masyadong nagpapakitang sweet siya. “Actually, nahihilig ang dalawa ngayon sa archery.

They practice sa isang gym sa may bandang Ortigas – I saw them both practicing archery. “Nagbiruan pa nga kami ng mga friends ko na dapat mag-ingat si Mommy Divine dahil baka di sinasadyang matamaan siya ng pana, di ba? Ha-hahaha!

“Kasi nga, di pa gaanong sanay si Sarah sa archery – baka mawalan siya ng kontrol at mabaling sa ina niya ang pana. Joke! Ha-hahaha!” anang isang kaibigan namin.

Mga baliw! Hindi naman siguro hahara-hara si Mommy Divine sa mismong area na pinaglalaruan nila kasi nga…basta!  Mga loko-loko! Bakit ba parang gusto niyong tamaan si Mommy Divine ng pana?

Pumayag na naman siyang maging magdyowa sina Sarah at Matteo, di ba? Baka nag-iingat lang talaga ang dalawa dahil pareho silang may mga careers na pinoprotektahan.

Mahirap na nga naman at baka makalimot sila sa kanilang mga sarili at matulad sa ibang kabataan na nagkakaroon agad ng anak. Kayo talaga, oo. Mapaggawa ng kuwento.

Pero, ano nga kaya pag nangyari iyon? Sana ay hindi malalim ang tama. Ha-hahaha! Joke! Joke! Joke!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending