St. Benilde, JRU pinapaboran | Bandera

St. Benilde, JRU pinapaboran

Melvin Sarangay |September 19,2014
facebook
share this

St. Benilde, JRU pinapaboran

Melvin Sarangay - September 19, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
2 p.m. Letran vs St. Benilde
4 p.m. JRU vs SSC
Team Standings: San Beda (13-2); Arellano (11-4); JRU (9-5); St. Benilde  (9-5); Perpetual Help (8-6); Letran (6-8); Lyceum  (6-9); Mapua (4-10); San Sebastian (3-11); EAC (3-12)

PIPILITIN ng College of St. Benilde Blazers at Jose Rizal University Heavy Bombers na manatili sa kanilang puwesto sa top four sa pagsagupa nila sa Letran Knights at San Sebastian Golden Stags sa 90th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City ngayon.

Magkasalo sa No. 3 spot sa magkatulad na 9-5 karta, ang Blazers ay makakatunggali ang Knights sa ganap na alas-2 ng hapon habang ang Heavy Bombers ay makakaharap ang Stags dakong alas-4 ng hapon kung saan hangad nila ang panalo na maglalapit sa kanila sa pagkubra ng dalawa sa huling tatlong Final Four slots na nakataya.

Nasungkit ng San Beda Red Lions ang unang tiket sa Final Four matapos tambakan ang Lyceum Pirates, 76-60, para sa 13-2 record habang ang Arellano University Chiefs ay kasalukuyang nasa No. 2 spot sa 11-4 kartada.

Tinambakan ng Blazers ang Knights, 85-71, sa kanilang first-round match noong Hulyo 21 inaasahan na magiging palaban ang huli dahil naghahabol din ito na makakuha ng panalo na magpapalakas sa hangarin nitong manatiling palaban sa Final Four.

Samantala, hangad naman ng JRU na makaganti sa 88-81 kabiguang nalasap sa kamay ng San Sebastian noong Hulyo 2.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending