Vhong sa ‘banta’ ni Cedric paglabas ng kulungan: Bahala na ang Diyos! | Bandera

Vhong sa ‘banta’ ni Cedric paglabas ng kulungan: Bahala na ang Diyos!

Cristy Fermin |September 19,2014
facebook
share this

Vhong sa ‘banta’ ni Cedric paglabas ng kulungan: Bahala na ang Diyos!

Cristy Fermin - September 19, 2014 - 03:00 AM

VHONG NAVARRO AT CEDRIC LEE

VHONG NAVARRO AT CEDRIC LEE

NASA Canada ngayon si Vhong Navarro para sa pagtupad sa isang tinanguan niyang show kasama ang iba pang mga personalidad sa Dos. Pinagkaguluhan sa NAIA ang actor-singer-TV host.

Napansin ng mga nandu’n na dati na namang may mga lumalapit kay Vhong para magpa-picture taking, pero kakaiba ang nangyari nu’ng Miyerkules nang hapon, parang nagkaisa ang mga kababayan natin para makalapit sa kanya.

Sabi ng aming source, “Hindi lang nila masabi, pero para bang nakikisimpatya sila kay Vhong sa nangyari. Para bang gusto nilang yakapin nang mahigpit si Vhong dahil nabigyan nga ng piyansa ang mga taong sinasabi niyang nagtulung-tulong na mambugbog nu’n sa kanya.

“Iba ‘yung basta kinikilig lang, hindi ganu’n ang nakita namin last Wednesday, talagang ipina-feel sa kanya ng mga nandu’n na maraming nagmamahal sa kanya,” kuwento ng aming kausap.

Marami ring news reporters na nag-abang kay Vhong sa airport, tinanong siya ng mga ito kung ano ang maikokomento niya sa sarkastikong pagpapakawala ng sagot na “It’s showtime!” ni Cedric Lee.

Ang tanging sagot ni Vhong Navarro, “Ipapasa-Diyos ko na lang ang lahat ng ito.” Bakit pa nga naman siya magdadagdag ng komento, dagdag-stress lang ‘yun para sa kanya, saka pagsasayang ng panahon at atensiyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending