Tili ni Jodi: Kahit kailan, hindi kami naghiwalay ni Jolo! | Bandera

Tili ni Jodi: Kahit kailan, hindi kami naghiwalay ni Jolo!

Ervin Santiago |September 18,2014
facebook
share this

Tili ni Jodi: Kahit kailan, hindi kami naghiwalay ni Jolo!

Ervin Santiago - September 18, 2014 - 03:00 AM

jodi sta mari
GAGAWIN ni Jodi Sta. Maria ang lahat para maging doktor. Isa ito sa ultimate dream ng Kapamilya actress dahil aniya, gusto rin niyang magsilbing inspirasyon sa anak na si Thirdy.

“Gusto kong maging magandang halimbawa sa anak ko kasi ayokong dumating ‘yong panahon na ‘pag pinipilit ko siyang mag-aral, ibabalik niya sa ‘kin na, ‘Ikaw nga, ‘di ka nakatapos,’” chika ni Jodi sa interview ng Tapatan Ni Tunying na mapapanood ngayong hapon, 5 p.m. sa ABS-CBN.

Huminto si Jodi sa pag-aaral bago siya mag-fourth year high school. Natapos niya ito noong 28 years old na siya at kumuha ng kursong medical biology sa De La Salle University-Dasmariñas, “Gusto ko po maging doktor.

Nakapasok po ako doon sa school nila pero hindi ko pa talaga natatapos iyong kurso. Noong time na nag-aaral ako, nagte-taping din ako. Hindi ko na alam kung paano ko hahatiin ang katawan ko.

Pero, babalikan ko siya,” sey ng aktres. Siyempre, kapag nag-aral na uli siya, kailangang mamahinga muna siya sa showbiz or mag-lie low, kaya ‘yan daw ang pinaghahandaan ngayon ni Jodi.

Samantala, dinenay niya na hiwalay na sila ni Vice-Gov. Jolo Revilla, mas lalo pa nga raw tumibay ang kanyang relasyon, “Doon sa ilang taon na pinagsamahan namin, nagkaroon man kami ng problema, ay parte talaga iyon ng pagkatuto namin.

Natuto kami sa mga pagkakamali namin,” sabi ng aktres kay Anthony Taberna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending