Ai Ai isinugod sa ospital, binantayan ni Gerald | Bandera

Ai Ai isinugod sa ospital, binantayan ni Gerald

Ambet Nabus |September 18,2014
facebook
share this

Ai Ai isinugod sa ospital, binantayan ni Gerald

Ambet Nabus - September 18, 2014 - 03:00 AM

aiai delas alas
Speaking of sport still, aba’y talaga namang kasing-lakas ng naging hiyawan ng mga pumasok sa top 3 ng UAAP Cheerdance (NU as the champion, UP the second placer and UST as the third) ang reaksyon ngayon ng marami sa ginawang pag-amin ni Gerald Sibayan na girlfriend nga niya si kagandahang Ai Ai delas Alas.

The who is Gerald Sibayan mga ka-BANDERA? Well, ayon sa mga ulat ay siya nga yung 20-year-old De La Salle student na noon pa naikukuwento ni Ai Ai bilang manliligaw niya.

Pero dahil siguro sa agwat ng edad nila (turning 50 na ang Comedy Queen) ay never na nagsalita o ipinangalandakan ni Ai Ai ang binata until mismong si Gerald na ang nagsalita.

Sa Facebook account nga nito ay binanggit ng bagets ang magandang relasyon nila ng komedyana na noon pa pala niya nakilala.

Tunay naman daw ang pagmamahal nito kay Ai Ai, mabait at magalang, ayon na rin mismo sa komedyana. Samantala, isinugod sa ospital si Ai Ai noong Martes ng gabi.

Nag-post siya ng picture sa Instagram ng kanyang hospital tag na may caption na: “Iba ibang yugto ng araw — thank you for taking care of me G!” Hindi naman niya sinabi kung bakit siya naospital.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending