Chiz bawal mamanhikan kina Heart | Bandera

Chiz bawal mamanhikan kina Heart

Ervin Santiago |September 17,2014
facebook
share this

Chiz bawal mamanhikan kina Heart

Ervin Santiago - September 17, 2014 - 03:00 AM

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

WALA pang nagaganap na pamamanhikan sa pagitan ng pamilya nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

“No, we are not there yet. But, of course, we hope for the best,” ang sabi ni Sen. Chiz.

Ito’y dahil hindi pa rin pala nagkakaayos ang senador at ang nanay ng Kapuso actress. Inamin ni Chiz na nagkabati na sina Heart at nanay nito, pero mukhang malabo pa ring matanggap siya ng parents ni Heart.

Sa interview kay Sen. Chiz ng The Buzz noong Linggo, ang mahalaga raw ngayon ay maayos na ang relasyon ni Heart sa kanyang mga magulang at pamilya.

“Papunta sa tamang direksyon (ang relasyon ko sa parents ni Heart). Hayaan natin na panahon ang makapagsabi pero at least sa parte ni Heart at ng magulang niya, maganda na ang relasyon nila,” sey ni Chiz.

Umaasa ang senador na darating din ‘yung araw na magiging maayos ang lahat, at naniniwala siya na may tamang panahon ang mga bagay-bagay sa mundo.

Sa hiwalay na interview naman kay Heart, umaasa rin siya na ang kanyang mga magulang ang maghahatid sa kanya sa altar.

Pero sinabi rin ng Kapuso star na hindi niya pipilitin ang mga ito na um-attend ng kasal. Ang importante sa kanya ay unti-unti nang bumabalik ang relasyon niya sa kayang ina at ama. Sa Feb. 15, 2015 ang kasal nina Chiz at Heart na gaganapin sa Balesin Island Club.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending